• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CASSY, ultimate dream na makatrabaho si ALDEN dahil ‘di naman malayo ang age gap nila

GINULAT na naman ang mga fans ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera nang mag-post siya sa kanyang Instagram na suot niya ang Flora Vida white waffle robe.

 

 

Naka-cover ang kanyang ulo, at nakasilip lamang ang kanyang beautiful face, kaya ang comment ng mga netizens para siyang si Mama Mary.

 

 

      Caption ni Marian: “Did anyone say bed weather? Feeling comfy in my floravida waffle robe.” 

 

 

Ilan nga sa mga comments sa post ni Marian: “Mama Mary?” “Mama Mary, – saktong-sakto ang name ni Marian sa mukha niya,” “Angelic beauty,” “The living Mama Mary.  So beautiful!” “Are you human?” “Grabe, parang birhen na sumilip!”

 

 

After this, tiyak na ilalabas na ni Marian ang bagong line ng Flora Vida by Marian, abang-abang na lamang tayo!

 

 

***

 

 

MAY sari-sarili nang career path ang kambal nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel, sina Mavy at Cassy. 

 

 

Nakatapos na ng first teleserye niya si Cassy sa First Yaya with Gabby Concepcion at Sanya Lopez, very soon ay mapapanood na si Mavy sa first teleserye niya, ang I Left My Heart in Sorsogon, with Heart Evangelista, new Kapuso actor Richard Yap, Paolo Contis and his love team, Kyline Alcantara.

 

 

Decided na si Cassy na ituloy ang pag-arte at dream niyang magkaroon ng marami pang acting projects.  Isa sa ultimate dream niya ay ang makatrabaho si Alden Richards.

 

 

  “Of course, I’m happy to work with anyone and I think that would be a challenge for me, to build chemistry with someone who, let’s say is an acquaintance or I never met. Or maybe it would be nice kung friend ko siya. 

 

 

But yung dream partner ko is siyempre si Kuya Alden.  Di po naman malayo ang age gap namin, kung may chemistry kami ni Kuya Alden, go na natin.”

 

 

As a TV host-actress at celebrity inlfuencer, siya na ang pinakabagong Brand Ambassador ng Beautederm ni Ms. Rhea Tan, para sa Facial Care Line nila.

 

 

***

 

 

THANKFUL si Ms. Jaclyn Jose sa GMA Network na sa kabila ng pandemic, nakagawa pa rin siya ng dalawang malalaking projects, ang dalawang top-rating series na The World Between Us sa GMA Telebabad at ang Nagbabagang Luha sa Afternoon Prime.

 

 

Kahit guest role lamang ang character niyang si Mercy, ang tunay na ina ng magkapatid na Maita (Glaiza de Castro) at Cielo (Claire Castro).

 

 

Sa simula lamang ng story siya napanood, dahil materyoso at gusto ng magandang buhay, umalis siya at iniwan ang mga anak sa asawang si Paeng (Alan Paule).  Sa finale week ngayon muling magbabalik ang character ni Mercy.

 

 

Magkaiba ang characters nina Maita at Cielo, dahil kaya iyon sa pagpapabaya ni Mercy sa mga anak? Matanggap kaya at mapatawad siya ng magkapatid sa mga kasalanang ginawa niya sa kanila?

 

 

Mapapanood ang finale week ng serye until Saturday, October 23, 2:30 PM after ng Eat Bulaga.

 

 

Meanwhile, tapos na ang season break ng The World Between Us at muling magbabalik si Jaclyn, with her co-stars Dina Bonnevie, Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, Tom Rodriguez, Sid Lucero, simula sa November 15, after ng 24 Oras sa GMA-7.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Aminadong ‘di madali ang mag-pursue ng career sa Hollywood: Fil-Canadian na si ALEX, masuwerteng nakatrabaho si RYAN REYNOLDS

    MASUWERTE ang Filipino-Canadian actor na si Alex Mallari Jr. dahil nagkaroon siya ng pagkakataon na makatrabaho ang aktor na si Ryan Reynolds sa Netflix sci-fi adventure film na The Adam Project.     Ginagampanan ni Mallari ang role ng kontrabidang si Christos at pinakita sa isang fight scene with Reynolds ang paggamit ng arnis sticks […]

  • ‘Bawal Judgemental Bill’, isinusulong

    ISINUSULONG ng isang mambabatas ang panukalang magbabawal sa pagpapatupad ng mahigpit na dress codes para sa publiko na kumukuha ng serbisyo mula sa gobyerno.   Sa House bill 11078 o Bawal Judgemental Bill na inihain ni Akbayan Party List Rep. Perci Cendaña, sinususugan nito ang pagkakaroon ng accessibility ng marginalized communities na nagnanais na magkaroon […]

  • Pagbabago sa ‘flexible learning scheme’ kailangang maipatupad sa susunod na academic year

    NAIS ng Coordinating Council of Private Educational Associations of the Philippines (COCOPEA) na dapat maipatupad na sa susunod na academic year ang anumang pagbabago sa patakaran sa flexible o hybrid learning.     Ito ay may kaugnayan sa kautusan ng Commission on Higher Education (CHED) para sa mga higher education institutions (HEIs) na magpatibay ng […]