• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Castro sumapi sa 8K pts club

NAGING pang-anim na aktibong player sa 45th Philippine Basketball Association (PBA) 2020 Philippine Cup eliminations bubble sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center sa Pampanga na pumukolng 8,000 career points si Jayson Castro William ng Talk ‘N Text.

 

Ipinahayag nitong Martes ni professional league chief statis- tician Fidel Mangonon III, na ang Tropang Giga point guard ang ika-35 na basketbolista sa pangkalahatang napabilang sa karangalan sapul nang magsimula ang PBA noong 1975.

 

Sinamahan niya ang anim na mga naglalaro pa sa all-Pinoy conference na sina Alexander Cabagnot, Jr. at Arwind Santos ng San Miguel Beer, Mark Anthony Caguioa ng Barangay Ginebra San Miguel, James Carlos Yap Sr. ng Rain or Shine, at Paulasi Taulava ng North Luzon Expressway.

 

Nakapasok ang 12-year pro veteran at tubong Bacolor, Pampanga sa 8K poits plateau nang umiskor ng 10-points nang ligwakin ng kanyang koponan (4- 0) ang Phoenix Super LPG (2-01) nitong Lunes, sa 110-91. (REC)

Other News
  • Nag-react sa viral tweet dahil sa ‘unity’ replies: ALEX, basag na basag sa mga bashers sa pagdi-delete ng pinost

    NAG-VIRAL ang deleted nang tweet ni Alex Gonzaga tungkol sa panawagan sa kanyang internet provider.   Say ng tv host/actress, “PLDT please fix my internet sa condo. I’ve been paying for 4months na wala ako internet. Grabe kayo magremind to pay monthly pero lagi padelay kayo para ayusin. Pls pls fix kasi ayaw nyo kami […]

  • Nangakong magsisikap pa para sa mga pangarap sa pamilya: HERLENE, ‘di mapigilang maiyak dahil natupad na magkaroon ng sariling sasakyan

    HINDI mapigilan ni Herlene “Hipon Girl” Budol na maiyak dahil natupad na ang matagal na niyang hiling na makabili ng sariling sasakyan.     Sa kanyang vlog, mapapanood ang pagbili ni Hipon ng kanyang kauna-unahang brand new car kasama ang manager na si Wilbert Tolentino.      Naging emosyonal si Hipon dahil matagal na raw […]

  • Ads December 21, 2023