• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Castro sumapi sa 8K pts club

NAGING pang-anim na aktibong player sa 45th Philippine Basketball Association (PBA) 2020 Philippine Cup eliminations bubble sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center sa Pampanga na pumukolng 8,000 career points si Jayson Castro William ng Talk ‘N Text.

 

Ipinahayag nitong Martes ni professional league chief statis- tician Fidel Mangonon III, na ang Tropang Giga point guard ang ika-35 na basketbolista sa pangkalahatang napabilang sa karangalan sapul nang magsimula ang PBA noong 1975.

 

Sinamahan niya ang anim na mga naglalaro pa sa all-Pinoy conference na sina Alexander Cabagnot, Jr. at Arwind Santos ng San Miguel Beer, Mark Anthony Caguioa ng Barangay Ginebra San Miguel, James Carlos Yap Sr. ng Rain or Shine, at Paulasi Taulava ng North Luzon Expressway.

 

Nakapasok ang 12-year pro veteran at tubong Bacolor, Pampanga sa 8K poits plateau nang umiskor ng 10-points nang ligwakin ng kanyang koponan (4- 0) ang Phoenix Super LPG (2-01) nitong Lunes, sa 110-91. (REC)

Other News
  • Kinilig ang netizens sa viral videos: ALDEN, sinurpresa si KATHRYN bitbit ang regalo at malalaking bulaklak

    PINAG-UUSAPAN at nag-viral na naman ang magkaibigang Kathryn Bernardo at Alden Richards matapos na kumakalat ang video nila sa isang event.     Ilang mga X users na nag-upload ng video kina Kathryn at Alden na kung saan nagse-selfie ang mga ito at isa namang may pa-surprise gift at bouquet si Alden para sa aktres. […]

  • Direk JOEL, inaming nag-Vivamax dahil kailangan ng pera

    BAGONG Vivamax project ng mahusay na direktor na si Joel Lamangan ang ‘Sisid Marino’.         Mga artista sa movie sina Julia Victoria, Ataska, Jhon Mark Marcia, Cariz Manzano at Yda Manzano.         Isa sa natanong kay Joel ay kung ano ang kaibahan na gumawa ng pelikula noong dekada otsenta-nubenta […]

  • Hong Kong nagpatupad ng travel ban vs PH at 7 pang bansa dahil sa pagtaas ng COVID cases

    Inanunsiyo ng Hong Kong ang panibagong paghihigpit nila bilang pagkontrol ng pagkalat ng COVID-19.     Isa rito ang pagbabawal sa mga flights mula sa Pilipinas at pitong iba pang mga bansa na kinabibilangan ng Australia, Canada, France, India, Pakistan, United Kingdom at US.     Isasara rin nila ang mga bars at gyms ganun […]