• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Catriona, nagpasalamat at nagbigay ng suporta: PIA, labis na nanghinayang na ‘di nakapasok sa Top 5 si MICHELLE

LABIS na nanghihinayang si Miss Universe 2015 Pia Wirtzbach na nalaglag sa Top 5 ang pambato ng Pilipinas na si Michelle Marquez Dee sa katatapos na 72nd Miss Universe na ginanap sa El Salvador

 

 

Ang Top 5 finalists pa naman ng beauty pageant makikilatis ang galing ng mga kandidata sa question-and-answer portion.

 

 

Umabot naman si Michelle hanggang Top 10, na kung saan nakarampa siya sa swimsuit at evening gown competitions na parehong kapuri-puri ang kanyang pinamalas.

 

 

Sa isang video na pinost ni Pia noong November 19, 2023, isang araw pagkatapos ng kompetisyon, naglabas siya ng naramdaman tungkol sa naging resulta ng Miss Universe 2023 kunsaan ang kinoronahan ay si Miss Nicaragua Sheyniss Palacios.

 

 

Sa pahayag ni Queen Pia,  “I lso was rooting for the winner actually. And I think that she’s very deserving. ”

 

 

Dagdag pa niya na nagtataka, “Although I’m still wondering what could have been if Michelle had made it into the Top 5 and had the chance to answer a few questions.

 

 

“Coz she’s really good at Q&A. You wonder, you think of what could have been.

 

 

“But, yeah, I dunno. I’m still trying to absorb things. Kayo ba?”

 

 

Marami nga ang hindi pa rin maka-get over hanggang ngayon sa naging kapalaran ni Michelle, na sa paniwala ng marami na deserving siyang makapasok sa Top 5.

 

 

***

 

 

SAMANTALA, nag-post naman si Miss Universe 2018 Catriona Gray, pagkatapos ng naturang beauty pageant ng, “that’s a wrap on the 72nd @missuniverse Live from El Salvador! Welcome to the new Queen @sheynnispalacios_of from Nicaragua 🇳🇮 👑✨🫶🏽🤍
@rbonneynola you had such an impactful reign! So excited to see where your journey takes you next!!
Huge shout out to @zurihall and our amazing team @mr_tunnelvision @travisstantonmn and everyone who makes our work such a breeze! (and so much fun!!)
To @realpaulashugart thank you for all the years you’ve dedicated to Miss Universe. As someone who has been directly impacted and had my life changed because of your vision, I am forever greatful, as are the hundreds of girls and each of their communities, causes and countries that you brought onto the universe stage. ✨

 

 

Dagdag pa niya, “Lastly to our pride, @michelledee 🇵🇭 thank you for the fight. Yours is a comeback story that I know well, and so it’s with certainty that I can say, never denied only redirected.

 

 

“Whatever you choose to pursue, we’re all right behind you! Mabuhay ka! 🇵🇭

 

 

***

 

 

TUNGKOL pa rin sa Miss Universe 2023, may matapang na facebook post si Robby Tarroza tungkol sa nasagap niyang tsismis, na may naganap daw na dayaan sa pagpili ng Top 5.

 

 

Panimula ng post niya, “OMG!!!! I just got word from a very reliable source na tunkol sa chismax sa MU2023!!!! 100% daw may dayaan sa top 5!!! ” “Pero Nicaragua was still unbeatable dahil sa umpisa palang, her preliminary scores were so far away from the next candidate.

 

 

“According to my source, the top 5 is open to anyone willing to bid to get in. So this means, it is offered to any country, whoever bites, they get in. usually they only entertain one or two countries . this way it’s not obvious.”

 

 

Pasabog pa niya, “In the end, the last 5 will still have to fight! According to my source , MMD was fierce but did not have that CHAVIT backing, so di makapasok! Thailand l, well, Heluuuu, she was given a chance, but couldn’t beat the well researched and studied Nicaragua !

 

 

“That girl came to fckn win! more prepared than anyone i have ever seen in MU! na tomboy nga ako doon eh!”

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Lilo at Koa, tumutulong na sa mga gawaing bahay: ANDI, pinuri ng netizens sa pagpapalaki nila ni PHILMAR sa mga anak

    TAPOS nang gawin ng premyadong aktres Gladys Reyes ang pelikang ‘And The Breadwinner Is’.   Ito ay entry ng Star Cinema at Idea First para sa Metro Manila Film Festival sa taong ito.   Happy si Gladys dahil tiyak makakasama siya sa parade of stars sa MMFF na ngayon pa lang ay hinuhulaan na maging […]

  • Dating VP Leni Robredo, pinaalalahanan ang publiko hinggil sa kumakalat na ‘fake number’ na humihingi ng donasyon

    PINAALALAHANAN ni dating Vice President Leni Robredo ang publiko hinggil sa kumakalat na fake number na humihingi ng donasyon para sa mga biktima ng bagyong Kristine.   Ayon kay Robredo, isa lang ang kanyang personal na numero at hindi rin siya gumagamit ng messenger.   Nilinaw din ng dating pangalawang pangulo na ang kanilang Angat […]

  • ERC, pansamantalang sinuspinde ang operasyon ng WESM para pagilan ang pagtaas ng presyo ng kuryente

    PANSAMANTALANG sinuspinde ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang operasyon ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM) sa ilalim ng deklarasyon na red alert ng systems operator na National Grid Corporation of the Philippines (NGCP). “Dahil sa matinding init, tumataas ang konsumo ng kuryente na nakakadagdag sa pag-akyat ng presyo,” ito ang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos […]