• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CATRIONA, nasa Amerika kasama si SAM nang makansela ang ‘SNL’; TikTok account verified na

NAVERIFY na ang TikTok account ni Miss Universe 2018 Catriona Gray at nag-post siya ng video para i-celebrate ito.

 

 

Imbes na maging glamorosa si Queen Cat, pinili niyang mag-no make-up para mas natural na lumabas ang ganda niya.                                            

 

“I live for glam moments but, I feel prettiest when I’m just… ? we’re verified! thanks @tiktokphilippines,” caption pa niya sa video.

 

 

Nakakuha ang naturang video ng 4.2 million views and 820,000 likes!

 

 

Nakabalik na sa Pilipinas si Catriona pagkatapos ng mahabang bakasyon sa US kasama ang boyfriend na si Sam Milby. Kasalukuyang naka-quarantine siya ngayon.

 

 

Wala rito si Catriona noong magkansela ang Sunday Noontime Live kunsaan isa siya sa mga host.

 

 

“Currently midway through my quarantine (mandatory travel protocol) but my mind is here,” caption ni Catriona sa photo kunsaan naka-pose siya sa mga puno na may autumn leaves.

 

 

Na-miss niya agad ang hometown ni Sam sa Ohio.

 

 

Panay naman daw ang video call ni Cat sa kanyang parents na nakatira na ngayon sa Canada. Bumabawi raw siya dahil hindi niya nakasama ang mga ito noong Pasko at Bagong Taon.

 

 

***

 

 

GINAWA ng loveteam sina StarStruck 7 Ultimate Male Survivor Kim de Leon at StarStruck 7 First Princess Lexi Gonzales sa bagong weekly anthology ng GMA NewsTV na My Fantastic Pag-ibig.

 

 

Hindi raw inakala ng dalawa na sila ang ipe-pair sa isa’t isa. Pero dahil sa pagtambal nila sa comedy skit sa All Out Sundays, nagkaroon na sila ng following.

 

 

Kumpara raw noong nasa StarStruck pa sila, di raw masyadong nagkikibuan sina Kim at Lexi.

 

 

“Nag-usap lang kami ni Lexi noong kakaunti na lang kami sa Starstruck. Yung wala ka nang choice kundi kausapin mo na siya kasi konti na lang kayo. Si Lexi kasi, sobrang galing niya sa lahat. So intimidating siya. Natatakot kaming kausapin siya noon!” tawa pa ni Kim.

 

 

Sey ni Lexi: “Ngayon kasi puwede na kami magbiruan ni Kim. Noon kasi parang naiilang pa kami sa isa’t isa. Naging open na rin kami ngayon at marami na kaming kuwentuhan. Mas ramdam ko na confident na si Kim sa sarili niya. Gumagaling siya as an actor.

 

 

Magsimula ang first two-part ng pilot episode ng My Fantastic Pag-ibig titled “Love Wars” on January 30 at February 6 sa GMA News TV.

 

 

***

 

 

IMBIYERNA na si Jennifer Lopez sa mga netizen na pinagpipilitan na nagpapa-Botox siya kaya name-maintain niya ang ganda ng mukha niya.

 

 

Kasalukuyang nagpo-promote si J.Lo ng beauty product lina niya na J.Lo Beauty.

 

 

May isang netizen na nag-inakusahan si J.Lo na she had tons of Botox sa mukha nito.

 

 

Sey ng 51-year old singer-actress: “LOL that’s just my face!!! For the 500 millionth time…I have never done Botox or any injectables or surgery!!

 

 

“I don’t judge anybody. If you want to do Botox and injectables, that’s fine! But I don’t want people lying on me and saying, ‘Oh, she’s trying to make believe that this stuff works. No, I’m telling you what I do that works! Please don’t call me a liar. I don’t have to lie about things. I’ve been pretty honest about my whole life.” 

 

 

“I just felt it had to be set straight, but in a loving way. And one of my big beauty secrets is that I try to be kind to others and lift up other women. I think that that is important for us to do for each other instead of trying to tear people down.”

 

 

Inamin niya na minsan na siyang pinilit ng ex-boyfriend niya noon na magpa-botox pero tinanggihan niya ito.

 

 

“I was 23 and I was like, ‘I’m going to pass. I didn’t like needles anyway, but the boyfriend’s like, ‘Yeah, you should start it. I do that.’ I was like, ‘No, thank you.’ And I just wonder what would’ve happened to me if I would’ve started Botox at 23, what I would look like right now. My face would be a totally different face today.” (RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Marcial pasok sa Q’finals

    Kaagad nagpakita ng bangis si flag bearer Eumir Felix Marcial matapos magposte ng isang first-round stoppage sa kanyang Olympic Games debut.     Umiskor si Marcial ng isang RSC-I (Referee Stops Contest – Injury) win sa 2:41 minuto ng first round para sibakin si Algerian Younes Nemouchi sa kanilang round-of-16 middleweight fight.     Itinigil […]

  • Panukalang trials ng face-to-face classes, tinanggihan ni PDu30

    TINANGGIHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang panukalang trials ng face-to-face classes.   “Nagdesisyon na ang Presidente ha: wala pa rin po tayong face-to-face classes sa bansa,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.   Sinabi ni Sec. Roque na sinabi sa kanya ng Pangulo nang magkausap sila kagabi na ayaw nitong malagay sa panganib ang […]

  • PBBM, muling itinalaga si Cacdac bilang DMW ad interim Secretary

    MULING itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Hans Leo Cacdac bilang ad interim Secretary ng Department of Migrant Workers (DMW).     Ang reappointment ni Cacdac, makikita sa listahan ng presidential appointees na ipinalabas ng Malakanyang ay patunay na patuloy na ‘nagtitiwala at kumpiyansa’ ang Pangulo kay Cacdac.     Ipinagpaliban naman ng […]