• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Catriona, personal na ipinaabot mga donasyon para sa typhoon victims sa Bicol

Kakaiba sa pakiramdam kung ilarawan ni 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray ang pisikal na presensya sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad.

 

Pahayag ito ng 26-year-old half Australian beauty na tubong Albay sa kanyang pagbisita mismo sa Camarines Sur at Catandunates upang ipamahagi ang mga nalikom na donasyon para sa mga biktima partikular ng Typhoon Ulysses.

 

Kabilang sa mga ipinamigay ng pang-apat na Pinay Miss Universe ang mga shelter tool kits at cash grant na mula sa mga donor mula sa bansa at maging sa abroad.

 

“Traveled with @philredcross to typhoon effected areas Cam Sur and Catanduanes  to be present in the giving of Multipurpose Cash Grant and Shelter tool kits. And I just want to say THANK YOU to all of our donors, locally and abroad, who have come together to give to our typhoon-affected kababayans. 🙏 It’s one thing to call for awareness and donations on my platforms, but a completely different thing to be present in person when the aid is given,” saad ni Gray.

 

Kung maaalala, naging “double purpose” ang pagtungo ni Cat sa Colombia kung saan siya ay nagsilbing judge sa pageant doon atdumuog din sa Red Cross Colombia kung saan personal nitong binanggit ang fundraising activities ng Philippine Red Cross.

 

Other News
  • Unprogrammed funds, maaaring gamitin para sa relief ops- DBM

    MAAARING gamitin ang ‘unprogrammed funds’ kapag kinapos ang available disaster funds na inilaan para sa ‘response efforts’ sa naging pananalasa ng Severe Tropical Storm Kristine (international name Trami).     “Assuming we need more funding, we can tap the unprogrammed appropriations,” ang sinabi ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman kay Pangulong […]

  • Yulo kakasa sa 4 na finals event sa World Championships

    NAGPAPARAMDAM  na ng puwersa si Tokyo Olympics veteran Carlos Edriel Yulo matapos pumasok sa finals ng apat na events sa prestihiyosong 51st FIG World Artistic Gymnastics Championships na ginaganap sa Liverpool, England. Inilatag ni Yulo ang pinakamalakas na puwersa nito upang masiguro ang pag-entra sa finals kabilang na ang kanyang paboritong floor-exercise event. Nanguna si […]

  • NAVOTAS COASTAL DEVELOPMENT

    MASAYANG ibinalita nina Mayor Toby Tiangco at Congressman John Rey Tiangco na nagbunga na ang matagal nia nilang plano na pinakamalaking proyektong pabahay para sa mga Navoteño, ang Navotas Coastal Development.     Ayon kay Mayor Tiangco, ang proyektong ito ay pinagplanuhan nila ni Cong. John Rey kasama ang San Miguel Corporation at walang gagastusin […]