Cavite Governor Remulla ‘top choice’ na next DILG chief
- Published on October 7, 2024
- by @peoplesbalita
LUMULUTANG ngayon ang pangalan ni Cavite Governor Jonvic Remulla na susunod na Kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Ang appointment umano ni Remulla ay ihahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa sandaling bumitiw na sa puwesto si DILG Secretary Benhur Abalos na maghahain naman ng kanyang kandidatura sa pagka Senador.
Si Remulla umano ang “top choice” ni PBBM.
Si Remulla ay kapatid ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.
Bukod kay Remulla, ikinokonsidera rin sa DILG position sina Navotas Rep. Toby Tiangco, National Security Adviser Eduardo Año, South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr., Quirino Governor Dakila Carlo Cua at Special Assistant to the President Antonio Lagdameo, Jr.
-
Dagdag pension sa senior citizens, isinusulong ni Cong. Lacson
Isinusulong ni Malabon City Congresswoman Jaye Lacson-Noel ang isang panukalang batas na magbibigay daan ng karagdagang pension para sa mga nakakatandang mamamayan ng bansa. Tiwala si Cong. Lacson na susuportahan ng kanyang mga kasamahan sa House of Representatives ang kanyang panukalang batas para sa mga senior citizens. Aniya, kung maipasa sa […]
-
SSS may condonation program sa mga employer
NANAWAGAN ang Social Security System (SSS) sa mga employers na bigong mag-remit ng kontribusyon ng kanilang manggagawa sa nagdaang buwan at taon na samantalahin ang contribution penalty condonation programs para maayos ang kanilang obligasyon. Kaugnay nito, hinikayat ni SSS President at Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet ang mga delinquent employers na ayusin […]
-
Duterte, nanawagan sa United Nations
Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte ng pantay na pag-access sa COVID-19 vaccine. Sa kanyang virtual speech sa United Nations General Assembly (UNGA), sinabi nito habang maraming bansa ang nagkukumahog na makagawa ng bakuna laban sa COVID-19 ay dapat maging available ito sa mga mahihirap na bansa gaya ng Pilipinas. Dapat ring maikonsidera itong “global public […]