• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cavs, tuloy ang paggawa ng kasaysayan sa NBA matapos umabanse sa 15 – 0

Tuluy-tuloy sa paggawa ng kasaysayan ang Cleveland Cavaliers matapos maibulsa ang ika-15 magkakasunod na panalo ngayong araw kontra Charlotte Hornets, 128 – 114.

 

 

Ang naturang team ang tanging koponan na hindi pa natatalo ngayong season.

 

 

Dahil sa panalo, ang Cavs ang ika-apat na team sa kasaysayan ng NBA na nakapagbulsa ng 15 – 0, sunod sa Houston Rockets (15 – 0), Washington Capitols (15 – 0), at ang 24 – 0 na Golden State Warriors (2015 – 2016).

 

 

Nagawa ng Cavs ang naturang panalo sa kabila ng hindi paglalaro ng star player na si Donovan Mitchell, sa tulong na rin ng tatlong bagitong player na pawang gumawa ng double-double.

 

 

Pinalitan ni Darius Garland si Mitchel sa no. 1 position at nagbulsa ito ng 25 points at 12 assists habang 23 points at 11 rebounds din ang kontribusyon ni Evan Mobley.

 

 

Hindi rin nagpahuli ang sentrong si Jarrett Allen at nagpasok ng 21 points at kumamada ng 15 rebounds.

 

 

Walang nagawa ang Hornets para pigilan ang magandang opensa ng Cavs (57.1% overall shooting), sa kabila pa ng 31 pts. at 12 assists double-double performance ng point guard na si laMelo Ball.

 

 

Ang naturang panalo ay sa kabila rin ng 20 3-pointers na ipinasok ng Charlotte sa kabuuan ng laro.

 

 

Dahil sa pagkatalo, nabaon pa sa 8 loss ang Hornets, hawak ang limang panalo sa unang 13 games nito ngayong season.

Other News
  • Naging emosyonal nang balikan ang hinarap na pagsubok… NADINE, nahirapang magbuntis at muntik pang malaglag ang ikatlong anak

    EMOSYONAL na binalikan ni Nadine Samonte ang mga hinarap niyang pagsubok bilang isang ina, kabilang noong sabihan siya ng doktor na hindi siya puwedeng magkaanak.     At nang mabuntis, kamuntikan pang malaglag ang isa niyang anak.     “Kasi sinabihan ako ng doctor na I can’t have kids noong 2013, 2014 hanggang 2015 na […]

  • Fuentes handa nang pumalo

    PUMASOK na bilang Lady Spiker ang Fil-Am volleybelle na si Jade Fuentes nang mag-umpisa na sa online class sa De La Salle University nitong Miyerkoles.   Masaya sa kanyang unang salang bilang kolehiyala ang 17- anyos na atleta at ipinaskil pa sa kanyang Twitter account ang saloobin.   “Finally starting my first day of college […]

  • Minimum wage sa NCR ‘di na sapat, regional wage boards kailangang mag-review na – Sec. Bello

    NANINIWALA  si Labor Secretary Silvestre Bello III na posibleng hindi na sumasapat ang minimum wage sa National Capital Region (NCR) para sa mga manggagawa at sa kanilang pamilya dahil sa mahal ng presyo sa mga produktong petrolyo at iba pang bilihin.       Inihalimbawa ni Bello ang kasalukuyang daily minimum wage sa National Capital […]