• November 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cayetano ‘totoong resigned na’ bilang House speaker matapos mahalal si Velasco

PORMAL nang napalitan bilang speaker ng Kamara de Representantes si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, Martes, matapos ang matagal- tagal na agwan sa pwesto bilang pinuno ng Mababang Kapulungan.

 

Nangyari ito matapos tuluyang ratipikahan ng 186 miyembro ng House ang kanyang pamumuno, dahilan para matuloy ang “term-sharing” agreement na pinagitnaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Tuluyan itong naisapormal matapos ideklara ni Velasco ang kanyang pagkapanalo bilang House speaker sa mismong Batasang Pambansa.

 

“To the Filipino people, to my dear colleagues, I am humbled for your support and trust for electing me as your speaker of the House for the 18th Congress,” sambit ni Velasco sa harap ng mga kasama sa Kamara.

 

“First, and most importantly, this is for the Filipino people.”

 

Kahapon pa nang magbotohan ang mga nasabing lawmakers para iluklok si Velasco sa Celebrity Sports Plaza sa Lungsod ng Quezon, ngunit ngayon lang niratipikahan.

 

Parehong kaalyado ni Duterte sina Velasco at Cayetano, ngunit matagal-tagal nang nagbabangayan sa leadership.

 

Kasabay nito, pormal na ring nag-tender ng kanyang pagbibitiw bilang speaker ng Kamara si Cayetano, na nagtungo sa kanyang Facebook page para kumpirmahin ang balita.

 

“Right now, verbally, I am tendering my irrevocable resignation as the speaker of the House of the Republic of the Philippines,” kanyang banggit habang nasa labas ng sariling tahanan.

 

“Ang Congress po, masyado nang nahahati. Parehong allies ito ng presidente, [‘yung nag- aagawa]. Ang natutuwa lang po ay ‘yung oposisyon.”

 

Naunang naibalita ang pagkakahalal kay Velasco.

 

Nangyayari ang lahat ng ito habang nasa proseso ang Konggreso ng pagpapasa ng 2021 budget, bagay na sinasabing niratsada diumano ni Cayetano sa ikalawang pagbasa nang hindi man lang napagdedebatihan, ayon sa oposisyon.

 

Nakatakdang pulungin ngayong araw ni Duterte sina Cayetano at Velasco pasado 12:30 p.m. sa Malacañang para ipasara ang naturang budget.

 

Una nang sinabi ng Palasyo na pikang-pika na ang presidente sa awayan sa Kamara at gusto lamang matapos ang paggugol ng p4.5 trilyon para sa susunod na taon.

 

Taong 2019 nang unang i-”broker” ni Duterte ang term sharing agreement ng dalawang mambabatas, kung saang 15 buwan ang pamumuno ni Cayetano habang 21 buwan naman ang kay Velasco.

 

‘Pareho lang tuta’

 

Sa kabila leadership change, hindi naman gaano interesado rito si dating chairperson ng Commission on Human Rights (CHR) chair Etta Rosales lalo na’t pareho lang daw “tuta ni Duteterte” sina Velasco at Cayetano.

 

“Same dog, different collar. Whether it is Cayetano or Velasco, Congress will remain Duterte’s rubber stamp,” ani Rosales, na chairperson emeritus ng rin grupong Akbayan — na kritiko ni Digong.

 

“There is no restoration of order, integrity, and independence, there is only subservience.”

 

Ayon naman kay Buhay party-list Rep. Lito Atienza, “pera at kapangyarihan” naman daw ang dahilan ni Cayetano kung bakit tila kapit-tuko sa highly-coveted position.

 

Hands-off pa rin naman daw ang Palasyo sa isyu sa Kamara at hahayaan ang independiyenteng aksyon nila na maghalal ng panibagong pinuno, ani presidential spokesperson Harry Roque.

 

Sa kabila ng lahat, nakikiusap si Cayetano na 3 p.m. nalang i- elect si Velasco kasabay ng plenary session, na ipinatawag ni Digong para maipasa ang proposed 2021 national budget sa oras. (Daris Jose)

Other News
  • Pope sa pagpanaw ni P-Noy: ‘I commend his soul into the hands of God…’

    Maging si Pope Francis ay nalungkot sa pagpanaw ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.     Sa kalatas na ipinadala sa Malacañang, nakikidalamhati ang Santo Papa sa pagpanaw ng dating pangulo ng bansa.     Tiniyak ng 84-year-old pontiff ang pagdarasal para sa namayapang dating pangulo ng bansa.     “Recalling the late president’s […]

  • Na may pag-asang pagkakaisa sa kabila ng mga hamon: ‘Women’s Month’ celebration sumipa na- CHR

    SUMIPA na noong Marso 1 ang “Purple Action Day” ng Commission on Human Rights (CHR), pagbubukas ng “Women’s Month” para ngayong taon na may mensahe ng pag-asa at pagkakaisa para sa mga kababaihan at women leaders lalo na ngayong nalalapit na ang halalan sa bansa.     Ang tema para sa pagdiriwang ngayong taon ay […]

  • Cardinal Tagle, nagmisa na muli matapos gumaling sa COVID: ‘Let’s be appreciative’

    HINIKAYAT ni Cardinal Luis Antonio Tagle ang mga Pilipino na huwag sayangin ang pagmamahal at mga regalo ng Diyos sa kabila ng patuloy na pakikipaglaban ng bansa sa COVID (Coronavirus Disease) pandemic.   Pahayag ito ng 63-anyos na kardinal sa kanyang unang pagsasagawa ng misa, halos dalawang linggo matapos makuha ang negative result sa COVID-19. […]