• December 1, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CBCP naglabas nang panuntunan para sa Ash Wednesday

Naglabas ang Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) ng panuntunan para sa obserbasyon ng Ash Wednesday ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

 

 

Ilan sa mga ito ay gagamit na lamang ang simbahan ng mga natuyong sanga at dahon ng mga halaman at mga puno dahil hirap ang mga simbahan na makakuha ng mga lumang palaspas noong nakaraang taon bunsod ng ipinatupad na pandemic.

 

 

Dahil na rin sa limitadong bilang ng mga tao na papayagang makapasok sa simbahan sinabi ni Baguio Bishop Victor Bendico ang chairman ng CBCP Episcopal Commission on Liturgy na maaaring bigyan na lamang ng abo na nakalagay sa plastic ang mga mananampalataya at sila na ang maglalagay nito sa noo ng kanilang kaanak na nasa bahay.

 

 

Bibigyan din sila ng simbahan ng mga paraan at dasal para sa paglalagay ng abo.

 

 

Para iwas na rin sa pagkakahawaan ng COVID-19 ay isang option ng simbahan ay ang pagpatak ng abo sa ulo at maaari ring gumamit ng bulak.

 

 

Tiniyak din ng CBCP na mahigpit na ipapatupad ang minimum health standard sa mga dadalo at misa.

 

 

Magugunitang ginawang 50 percent na ng national government ang kapasidad na mga dadalo sa mga misa mula sa dating 30 percent.

Other News
  • Amendments sa panukalang “Maharlika Wealth Fund Act (MWFA),” Cooperative Banking Act, aprubado

    MATAPOS  ang diskusyon ng House Committee on Banks and Financial Intermediaries na pinamumunuan ni Manila Rep. Irwin Tieng ay inaprubahan nito ang karagdagang amendments sa revised House Bill 6398, o panukalang “Maharlika Wealth Fund Act (MWFA).”     Ang panukala ay una nang inaprubahan noong Martes ng komite kung saan magkakaroon ng independent fund na […]

  • Zamboanga City, kampeon sa Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 Presidents Cup

    NAKUHA ng Zamboanga City ang kampeonato sa 2020 Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 President’s Cup.   Ito ay matapos talunin nila ang Nueva Ecija Rice Vanguards sa score na 22-19.   Bumida sa panalo ng Zamboanga sina Joshua Munzon at Alvin Pasaol na kapwa nagtala ng tig-7 points.   Bukod sa tituloy ay nag-uwi ang koponan ng […]

  • 19 nawawala habang halos 80,000 apektado dahil sa bagyong Jolina — NDRRMC

    Libu-libo ang apektado habang halos 20 naman ang patuloy na nawawala bilang epekto ng Tropical Storm Jolina, na siyang papalabas na ng Philippine area of responsibility ngayong hapon o gabi.     Ito ang lumalabas sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Huwebes ng umaga:   Nawawala (15) Apektadong residente (79,062) […]