• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cebu Bus Rapid Transit Project posibleng mahinto

NAGBABALA ang isang Chinese contractor ng Cebu Bus Rapid Transit System (CBRTP) Package 1 na kanilang ihihinto ang construction works nito kapag ang Department of Transportation (DOTr) ay mabigong magbayad ng paunang 10 porsiento ng kabuohang kontrata na gagamitin bilang mobilization fund.

 

 

 

Binigyan ang DOTr ng hanggang June 15 upang bayaran ang nasabing halaga na siya naman kinumpirma ni Cebu BRT Project Manager at City Councilor Jerry Guardo na siya rin chairman ng city council’s Committee on Infrastructure.

 

 

 

“The Hunan Road and Bridge Construction Group Ltd is demanding 10 percent mobilization fund. Until now, they have not received it yet,” wika ni Guardo.

 

 

 

May kabuuang mahigit sa P900 million ang ginawad ng DOTr sa nasabing Chinese contractor. Sinabi ni Guardo na may mga contractors na nagsisimula na ng construction works kahit na hindi pa sila nababayaran ng advance payment.

 

 

 

Ang Hunan group ay minamadali ang construction works ng Cebu BRT Project’s Package 1 na matapos dahil si mismong President Marcos ang may gustong matapos na ito ngayon December na siyang magiging isang regalo niya sa mga Cebuanos.

 

 

 

“If the DOTr will not give in to their demand to pay the mobilization fund by June 15, the construction works will definitely be suspended. However, if they keep on their promise to pay, then the construction works will continue,” dagdag ni Guardo.

 

 

 

Inaasahang mabibigyan ng kaukulang pansin ng DOTr ang nasabing concerns ng Hunan sa loob ng 10 araw. Umaasa naman si Guardo na aaksyunan agad ng DOTr ang problema upang hindi magkaron ng balakid ang construction works na siyang nakadadagdag sa inconvenience ng commuting public.

 

 

 

Ayon naman kay CBRT Project Manager Engr. Norvin Ymbong na natanggap na ng DOTr ang sulat mula sa Hunan at sa ngayon ay ang check ay pipirmahan na lamang.

 

 

 

“Although the issue on the payment has yet to be settled, a special meeting had been set with some of the Cebu City department heads and other agencies to discuss lot acquisition, timeline, and other matter pertaining to Cebu BRT project” saad ni Cebu Brt Technical Head Engr. Carmella Enriquez.

 

 

 

Sinumulan noong nakaraang March ang construction works ng Cebu BRT Project. Ito ay may tatlong packages na nagkakahalaga ng P16.3 billion. Ang Package 1 ay may 2.38 kilometers na segregated bus lane na may apat na bus stations. Habang ang Package 2 ay may 10.8 kilometers at ang Package 3 ay may 22.1 kilometers na haba.

 

 

 

Ang Package 1 lamang ang naigawad na sa contractor habang ang 2 packages ay wala pang napiling constractors.  LASACMAR

Other News
  • Kalahati ng 11 milyong plate backlog tatapusin ng LTO sa loob ng 6 buwan

    TARGET ng Land Transportation Office (LTO) na tapusin ang kalahati ng 11 milyong plate backlogs sa loob ng anim na buwan.     Ayon kay LTO  Assistant Secretary Teofilo Guadiz III  kabilang sa 11 milyong backlog ang mga plaka na dapat sana’y natapos na mula 2016.     “Ang timeline ko rito mga six months […]

  • Mahigit 5-K na kabahayan napautang ng PAG-IBIG Fund sa mga miyembro nito

    AABOT na sa mahigit 5,000 mga kabahayan ang naipautang ng Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund para sa mga minimum wage earners at low-income members.     Ayon sa PAG-IBIG, na ang mayroong kabuuang 5,411 na mga socialized homes ang kanilang naipautang o na-financed mula Enero hanggang Abril 2022.     Binuo ito ng […]

  • Handa na para manggulat sa kakaibang pagganap sa ‘Greed’: NADINE, sobrang na-excite na patindi nang patindi ang binibigay sa kanya ng Viva

    HANDANG-HANDA na si Philippine’s Multimedia Princess Nadine Lustre para gulatin ang Vivamax audience around the world sa kanyang newest acting piece sa suspense thriller na Greed, kasama si Diego Loyzaga at sa direksyon ni Yam Laranas.     Be the first to experience ang pagbabalik-pelikula ni Nadine simula ngayong March 16 sa Vivamax Plus.     Set in a […]