Cebu Province nasa ilalim na ngayon ng GCQ “with heightened restrictions” hanggang Agosto 15
- Published on August 4, 2021
- by @peoplesbalita
INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ilagay ang Cebu Province sa General Community Quarantine (GCQ) “with heightened restrictions” mula sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) simula ngayong araw, Agosto 1 hanggang Agosto 15, 2021.
Nire-classify din ang GCQ “with heightened restrictions status” ng Laguna at Aklan, at isinapinal na gawin itong MECQ mula Agosto 1 hanggang 15, 2021.
Ang Apayao ay inilagay din sa ilalim ng MECQ mula GCQ simula Agosto 1 hanggang Agosto 15, 2021.
Samantala, inaaprubahan naman ng IATF ang pagpapaikli sa “detection to isolation/quarantine interval” ng limang araw.
Kabilang na rito ang pagsasagawa ng paghahanap ng mga active case sa lahat ng lugar kung saan prayoridad ang may clustering; ang pag-trace sa mga “close contacts of suspect, probable, and confirmed cases sa loob ng 24 oras ng detection ng kaso; agarang isolation /quarantine and testing ng kaso at close contacts; paggamit ng rapid antigen tests para sa confirmation ng suspect/probable case at close contacts; RT-PCR testing na nag-negatiive ang resulta sa rapid antigen testing.
Bukod dito, kabilang din ang pag-identify sa mga lugar na may matataas na kaso o clustering ng local government units (LGUs) at regional epidemiological surveillance units at ng kanilang agarang pagsusumite ng samples para sa sequencing; tiyakin na ang workplaces at establishments ay nagsasagawa ng daily health at exposure screening, i-report ang identified case at close contacts sa LGU, at makipagtulungan para sa imbestigasyon at pagtugon; ikinunsidera ang insentibo sa mga workplaces upang hikayatin ang mga ito na mag-report at sumunod saa isolation/quarantine.
Inaprubahan din ng IATF ang implementasyon ng pagbibigay prayoridad sa facility-based isolation at quarantine para mapigilan ang household transmission; siguraduhing available at accessible ang health care capacities at sistema sa paghahanda sa pagtaas ng kaso; pataasin ang pagbabakuna sa hanay ng Priority Groups A2 at A3 populations na may “parallel efforts” ng pagbabakuna sa A4 population.
“If resources are adequate,” ayon kay Sec. Roque.
Mahigpit na pagpapatupad ng border control protocols sa lahat ng ports of entry; patuloy na assessment ng COVID-19 situation sa lahat ng antas at pagpapakalat ng impormasyon ukol sa “variants of concern” at inaasahang aksyon na gagawin ng indibiduwal, establisimyento at nagpapatupad. (Daris Jose)
-
Ads September 9, 2024
-
“The time to invest in the Province of Bulacan is now” – Fernando
CITY OF MALOLOS – “With all the major development plans and business opportunities in our province, I can also proudly say that the time to invest in the province of Bulacan is now. Let’s join hands in making Bulacan the center of economic development in our country.” This was the message of Bulacan […]
-
QUIBOLOY, NAGSUMITE NG COC
KUMPIRMADONG tatakbo sa Senado si Pastor Apollo Quiboloy, ang leader ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na inaresto ng mga awtoridad noon lamang nakaraang buwan sa KOJC compound sa Davao City. Ayon kay Comelec spokesperson Atty.John Rex Laudiangco na tinanggap ang Certificate of Candidacy (COC) ni Quiboloy ala 1:47 ng hapon nitong Martes, […]