• March 29, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cellphone ban sa klase inihain na sa Senado

Isinulong na sa Senado ang panukalang ipagbawal ang paggamit ng mobile device at electronic gadgets sa mga paaralan sa oras ng klase.
Sa ilalim ng Electronic Gadget-Free Schools Act (Senate Bill No. 2706) na inihain ni Sen. Sherwin Gatchalian, sakop ng panukala ang mga mag-aaral sa kindergarten hanggang senior high school sa mga pampubliko at pribadong paaralan. Ipagbabawal din sa mga guro ang paggamit ng mga mobile devices at electronic gadgets sa oras ng klase.
Bagama’t naniniwala si Gatchalian na mahalaga ang papel ng mga mobile devices at electronic gadgets sa edukasyon, binigyang diin niya na maaari rin silang makapinsala sa pag-aaral, lalo na kapag nakakaabala sila sa oras ng klase.
Lumabas sa resulta ng 2022 Programme for International Student Assessment (PISA) na 8 sa 10 mga 15-taong-gulang na mag-aaral ang iniulat na naabala sila sa paggamit ng smartphone sa klase. Parehong bilang ng mga mag-aaral ang nagsabing naabala sila ng paggamit ng ibang mag-aaral ng smartphone sa oras ng klase. Lumalabas din sa resulta ng PISA na nauugnay ang pagkakaabala na dulot ng paggamit ng smartphone sa pagbaba ng 9.3 points sa mathematics, 12.2 points sa science, at 15.04 sa reading.
Ngunit may mga pagkakataon namang maaari pa ring gumamit ng mga smartphones at electronic gad­gets. Halimbawa ng mga ito ang classroom presentation at iba pang mga gawain.
Sa 2023 Global Education Monitoring Report, 13% ng mga bansa sa mundo ang may mga batas na nagbabawal o naghihigpit sa paggamit ng mobile phones sa mga paaralan, habang 14% ang mga may polisiya, estratehiya, o mga pamantayan para sa parehong layunin.
Other News
  • 33 manggagawa mula sa sinalakay na POGO hubs sa Bamban, Pasay, balik-Tsina na

    MAY 33 empleyado ng sinalakay na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hubs sa Bamban, Tarlac at Pasay City ang itinapon na pabalik ng Tsina, araw ng Huwebes. Ang mga manggagawa na dineport pabalik ng Tsina ay mula sa Smart Web Technology sa Pasay City, kung saan natuklasan ang torture chamber matapos itong salakayin noong 2023, […]

  • NICA ZOSA, kinoronahan bilang ‘Miss Summit International 2022’

    MULING nag-uwi ng bagong international beauty title ang Pilipinas.     Nagwagi bilang Miss Summit International 2022 si Nica Zosa noong January 26 sa Las Vegas, Nevada. Tinalo ng ating Philippine representative ang 20 other candidates.   Sa Facebook page ng naturang pageant, ang runners-up ni Zosa ay si Miss USA Kendall Strong (2nd runner-up) […]

  • Balitang-balita na ang plano sa Maynila: ISKO, wala nang balak mag-mayor at posibleng tumakbo si Sen. IMEE

    WALA na raw balak na puntiryahin ni dating Manila Mayor, aktor at TV host Isko Moreno ang pagiging alkalde ng Maynila.   Kaya malakas ang ugong na si Sen. Imee Marcos daw ang makakalaban ng kasalukuyang Ina ng Maynila na si Mayor Honey Lacuna. Pero itinanggi naman ng isang malapit sa Senadora. But still, mukhang […]