• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cellphone ban sa klase inihain na sa Senado

Isinulong na sa Senado ang panukalang ipagbawal ang paggamit ng mobile device at electronic gadgets sa mga paaralan sa oras ng klase.
Sa ilalim ng Electronic Gadget-Free Schools Act (Senate Bill No. 2706) na inihain ni Sen. Sherwin Gatchalian, sakop ng panukala ang mga mag-aaral sa kindergarten hanggang senior high school sa mga pampubliko at pribadong paaralan. Ipagbabawal din sa mga guro ang paggamit ng mga mobile devices at electronic gadgets sa oras ng klase.
Bagama’t naniniwala si Gatchalian na mahalaga ang papel ng mga mobile devices at electronic gadgets sa edukasyon, binigyang diin niya na maaari rin silang makapinsala sa pag-aaral, lalo na kapag nakakaabala sila sa oras ng klase.
Lumabas sa resulta ng 2022 Programme for International Student Assessment (PISA) na 8 sa 10 mga 15-taong-gulang na mag-aaral ang iniulat na naabala sila sa paggamit ng smartphone sa klase. Parehong bilang ng mga mag-aaral ang nagsabing naabala sila ng paggamit ng ibang mag-aaral ng smartphone sa oras ng klase. Lumalabas din sa resulta ng PISA na nauugnay ang pagkakaabala na dulot ng paggamit ng smartphone sa pagbaba ng 9.3 points sa mathematics, 12.2 points sa science, at 15.04 sa reading.
Ngunit may mga pagkakataon namang maaari pa ring gumamit ng mga smartphones at electronic gad­gets. Halimbawa ng mga ito ang classroom presentation at iba pang mga gawain.
Sa 2023 Global Education Monitoring Report, 13% ng mga bansa sa mundo ang may mga batas na nagbabawal o naghihigpit sa paggamit ng mobile phones sa mga paaralan, habang 14% ang mga may polisiya, estratehiya, o mga pamantayan para sa parehong layunin.
Other News
  • Text msgs na naghihikayat sa publiko na magpabakuna na, hindi galing kay PDu30, mayor sara- Sec. Roque

    PINABULAANAN ng Malakanyang na ito ang nasa likod ng di umano’y text messages mula kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte at sa kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte na hinihikayat ang mga Filipino na magpabakuna na laban sa Covid-19.   May ilan kasing Filipino ang nakatanggap ng text messages mula sa “unknown numbers” […]

  • SHARON, pinasalamatan ni Sen. KIKO sa throwback post; pinauuwi na dahil miss na miss na

    NAKATUTUWA ang throwback photo post ni Megastar Sharon Cuneta kasama ang asawang si Sen. Kiko Pangilinan na kuha noong 1997 sa New York.     Sa naturang post ni Mega, inamin niya na may mga pagkukulang din ang kanyang butihing esposo.     Panimula niya sa kanyang IG post, “Distance has a way of making […]

  • Water supply sapat sa NCR ngayong dry season

    SINISIGURO ng National Water Resources Board (NWRB) na sapat ang water supply sa National Capital Region at mga karatig na lugar nitong panahon ng dry season.     Sinabi ni NWRB executive director Dr. Sevillo David Jr. na nais ng kanyang ahensya na mapanatili ang kasalukuyang alokasyon ng tubig sa gitna ng pandemya.     […]