Cemetery pass sa mga gugunita ng undas sa Navotas
- Published on September 24, 2020
- by @peoplesbalita
NAGTAKDA ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng mga panuntunan sa mga nais maggunita ng Undas at mag-i-isyu ng pass sa mga dadalaw sa puntod ng mga mahal nila sa buhay kaugnay ng pansamantalang pagsasara ng lahat ng pampubliko at pribadong sementeryo sa lungsod mula October 30 hanggang November 4, 2020.
Ang naturang hakbang ay para maiwasang dumagsa at magsiksikan ang mga bibisita sa mga puntod, hindi masunod ang 1-2 metrong physical distancing at ma-expose sila sa COVID-19 virus.
Ayon kay Mayor Toby Tiangco, sa mga nais magunita ng Undas ay gawin ang itinakdang mga panuntunan bago o pagkatapos ng nabanggit na mga petsa.
Kumuha ng cemetery pass tatlong araw bago bumisita sa puntod at para makakuha nito, mag-TEXT JRT na nakalagay ang pangalan, address, edad, petsa, at araw ng pagbisita sa mga cemetery (public, catholic, immaculate garden).
Hintayin ang reply ng TEXT JRT para sa cemetery pass. Ang pass ay magagamit lamang sa dalawang tao alinsunod sa schedule na nakalagay. Ipakita ang cemetery pass at valid ID sa mga nakabantay sa sementeryo.
May tatlong time slot ang pagbisita, 7am hanggang 9am, 11am hanggang 2pm at 3pm hanggang 6pm.
Paalala ng local na pamahalaan na iwasang magdala ng pagkain o inuming nakalalasing, magsuot ng pface mask at face shield, at siguraduhing may 1-2 metrong distansya mula sa mga kasama.
Hindi naman pinapayagang lumabas ang mga wala pang 21- taong gulang o mga senior citizen para pumunta sa sementeryo alinsunod sa polisiya ng IATF para sa kanilang kaligtasan. (Richard Mesa)
-
Subpoena kay Bantag, naisilbi na ng DOJ
IKINOKONSIDERA ng Department of Justice (DOJ) na naihain na kay suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag ang subpoena ukol sa kasong murder na inihain sa kaniya kaugnay ng pagpaslang sa broadcaster na si Percy Lapid (Percival Mabasa) at Cristito Villamor Palana. “The subpoena was served to the last known address of […]
-
CHED sa mga nagsusulong ng ‘academic freeze’: ‘Maghain kayo ng petisyon’
Hinikayat ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga nananawagan ng “academic freeze” na magsumite ng pormal na petisyon upang maipagpaliban ang academic year. Ayon kay CHED Chairman Prospero de Vera, dapat nakapaloob sa petisyon ang isang pag-aaral na magiging batayan ng academic freeze. “I suggest those who are proposing any change in […]
-
Ads July 16, 2022