Certificate of Eligibility for Lot Allocation, iginawad ng Malabon LGU sa 147 Malabueño
- Published on September 20, 2024
- by @peoplesbalita
IGINAWAD ni Mayor Jeannie Sandoval at ng Malabon City Housing and Urban Developing Department (CHUDD) ang Certificates of Eligibility for Lot Allocation (CELA) sa 147 Malabueño beneficiaries na mga sertipikadong nangungupahan ng mga lupain kung saan nakatayo ang kanilang mga tahanan.
Ang CELA awarding ceremony na ginanap sa Penthouse ng Malabon City Hall ay bilang bahagi ng mga hakbangin ng lokal na pamahalaan para sa katuparan ng pangako nito na magbigay ng mas magandang pabahay at mga proyekto sa lupa para sa mga residente ng lungsod.
“Ipinagkaloob natin ang CELA sa mga mahal nating Malabueño upang mawala na ang kanilang mga alalahanin pagdating sa seguridad at lupang kinakatayuan ng kanilang mga tahanan. Bahagi ito n gating layunin na masiguro ang maayos, ligtas, at masayang pamumuhay ng ating mga kababayan habang naninirahan sa mga tahanan na ngayon ay matatawag nilang kanila na. Ito ay ating ipinangako noon at ngayon ay patuloy nating ipinapatupad. Nandito kami para umalalay sa inyo. Asahan ninyo na palaging bukas ang tanggapan ng pamahalaang lungsod para sa inyo,” ani Mayor Jeannie.
Ayon kay CHUDD concurrent head at City Administrator Dr. Alexander Rosete, ang mga benepisyaryo na nakatanggap ng CELA ay mga miyembro ng Sto. Niño Tenant Neighbor Association, Sangciangco Sports Complex Neighbor Association, Gulayan Pilapil Neighbor Association, at Catmon Pilapil.
Sinabi ni Dr. Rosete na ang pamamahagi ng CELA ay bahagi ng “Programang Palupa para sa mga Walang Lupa ng lungsod” na ipagkaloob sa mga Malabueño ang lupang pinagawaan ng kanilang mga bahay at matiyak na mapapangasiwaan nila ito ng maayos habang naninirahan sa ligtas.
Samantala, nagpasalamat naman ang mga benepisyaryo kay Mayor Jeannie at sa Pamahalaang Lungsod sa pamamahagi ng mga CELA na ayon sa kanila ay makakatulong hindi lamang sa kanilang mga mahal sa buhay kundi maging sa mga pamilya ng kanilang mga anak sa hinaharap. (Richard Mesa)
-
EJ Obiena, nag-courtesy call kay PBBM sa Malakanyang
NAG-COURTESY call si Filipino Olympian at pole vaulter EJ Obiena kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., araw ng Biyernes sa Malakanyang. Balik-Pinas si Obiena matapos ang tatlong taon na pamamahinga bago pa magsisimula ang kanyang season sa susunod na taon. Pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos si Obiena para sa karangalang dinala nito […]
-
Tennis star Osaka nakiisa sa protesta
Tuluyan nang umatras sa paglalaro sa Western & Southern Open tennis tournament si Japanese star Naomi Osaka bilang pagpapakita ng suporta sa umano’y racial injustice sa America. Bilang protesta, inanunsyo ng 22-anyos na tennis star ang pag-atras nito sa palaro ilang minuto matapos ang pagpasok nito sa semifinals ng palaro. Matatandaang ilang sporting […]
-
PETISYON NG ABS-CBN, IBINASURA NG SC
IBINASURA ng Supreme Court En Banc session,ang isinampang petition for certiorari and prohibition with appication for Temporary Restraining Order and injuction na isinampa ng ABS-CBN Corporation laban sa kautusan ng National Tele Commujication Commission (NTC). Sa ipinalabas na resolusyon,sinabi ng SC dahil sa ginawang pagtanggi ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa mga nakabinbin na […]