• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cha-cha, dapat nakatuon sa paghikayat sa mga potential investors

SINABI  ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. na ang pag-aaral para amiyendahan ang 1987 Constitution ay dapat na nakatuon sa kung paano aakitin at hihikayatin  ang mas maraming investors sa bansa.

 

 

 

Sa isang ambush interview sa Muntinlupa City,  hiningan  kasi si Pangulong Marcos ng reaksyon sa kamakailan lamang na panawagan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso hinggil sa  Charter change (Cha-cha).

 

 

 

Aniya, ang pag-aaral sa usaping ito ay dapat na nakatuon sa kung paano hihikayatin ang mga mamumuhunan na pumunta ng Pilipinas na kanyang  “primary interest.”

 

 

 

”We’re just beginning to study because we keep on talking about economic provisions that are getting in the way with some of the potential investors,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

 

“In my interest, my primary interest is to try make our country an investment friendly place… That’s why the study is really not about the Constitution, it’s about what do we need to change so that these potential investors would come to the Philippines,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo.

 

 

 

Sa kabilang dako, sinabi naman ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, pinsan ng Pangulo na itutuon ng pansin ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa darating na 2024 ang atensyon nito sa panukala kaugnay sa restriksyon sa pagpasok ng  foreign capital at investments  kabilang na ang Cha-cha.

 

 

 

Sa isang talumpati bago pa nag-adjourned ng sesyon ang Kongreso hanggang Enero 22, 2024, tinukoy ni Romualdez na kailangan ang Cha-cha para i-unlock ang potensiyal ng PIlipinas bilang  isang investment destination.

 

 

 

“Next year, we will focus our attention on studying and reviewing proposals that deal with the restrictions blocking the entry of foreign capital and investment in the Philippines,” ayon kay Romualdez.

 

 

 

“These include deliberations on proposed measures related to Constitutional change,” aniya pa rin.

(Daris Jose)

Other News
  • Nag-react nang ikumpara kay Ruffa: POKWANG, ‘di matatahimik hanggang nasa ‘Pinas pa si LEE

    HINDI pa rin matatahimik ang Kapuso aktres na si Pokwang hanggang nasa Pilipinas pa ang ama ng anak niya na si Lee O’Brian.   Kahit na may desisyon na at inatasan na ng korte na lisanin na ni Lee Ang Pilipinas, still nasa bansa pa rin ang foreigner. Kaya nga ganun na lang ang galit […]

  • VP Robredo naka-quarantine, close-in bodyguard nagka-COVID-19

    Kusang nag-quarantine si Vice President Leni Robredo matapos ma-expose sa kanyang close-in security detail na nagpositibo sa COVID-19.     Sa Facebook post ni Robredo, sinabi nito na handa na sana siyang umuwi sa Bicol nang makatanggap ng tawag mula sa contact tracer na positibo ang kanyang close-in security.     “I was all set […]

  • Mayor sa Ukraine at pamilya nito, natagpuang patay at nakatali pa ang mga kamay

    NATAGPUAN  ng mga awtoridad sa Ukraine ang katawan ng limang sibilyan kabilang ang Mayor at asawa’t anak nito na nakatali pa ang mga kamay sa isang village sa west ng Kyiv.     Ayon sa awtoridad, ang apat na narekober na katawan kabilang ang alkalde ay bahagyang nakabaon sa lupa sa isang kagubatan malapit sa […]