• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Chair LALA, tinalakay ang ‘Responsableng Panonood’ at obligation ng content creators

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na may etikal na obligasyon ang mga content creators na protektahan ang mga kabataan laban sa mga mapanganib na palabas sa gitna ng mabilis na pagbabago sa daigdig ng media at pelikula.

 

 

Sa kanyang talumpati kamakailan sa 2024 Annual Conference ng International Institute of Communication (IIC) sa Bangkok, Thailand, sinabi ni Sotto-Antonio na “ang kalayaan ay may kalakip na malaking responsibilidad.”

 

 

Ipinaalala niya ang posibleng pinsala sa murang kaisipan ng mga bata o sa reputasyon ng isang tao ng mga hindi kontroladong palabas.

 

 

“Gusto namin na matiyak na protektado at hindi nalalabag ang karapatan ng bawat Pilipino,” sabi ni Sotto-Antonio. “Mahalagang maprotektahan ang kabataan mula sa mga palabas na hindi dumaan sa masusing rebyu ng MTRCB.”

 

 

Sinabi rin ni Sotto-Antonio na hindi lang dapat basta gumagawa ng pelikula para makasira.

 

 

“Ang malayang paglikha na tinatamasa natin ngayon ay may kaakibat na malaking responsibilidad,” sabi ni Sotto-Antonio.

 

 

“Nauunawaan namin na mahigpit ang kompetisyon sa industriya ng paglikha, pero dapat nating gamitin ang kalayaan na ito nang may malalim na paggalang sa mga pangunahing karapatan ng tao.”

 

 

Ang mga pahayag na ito ni Sotto-Antonio ay kasunod ng pagdalo ng MTRCB delegation sa Bangkok, Thailand, nitong Nobyembre 4-7, 2024.

 

 

Kasama sa biyahe ni Sotto-Antonio sina MTRCB Board Members Eloisa Matias at Dr. Lillian Ng-Gui, at si Atty. Anna Mindalano ng MTRCB Legal Affairs Division sa nasabing International Regulators Forum at 55th IIC Annual Conference.

 

 

Nakilahok ang delegasyon sa talakayan hinggil sa Artificial Intelligence, low-earth orbit satellite technology at digital government.

 

 

“Kailangan ang pakikipagtulungan ng mga platform holders sa oras na mayroong reklamo sa kanilang sariling plataporma,” sabi ni Sotto-Antonio. “Gaya ng natutunan namin sa AVIA, dapat nilang isama ang sistemang ‘safety by design,’” sabi ni Sotto-Antonio.

 

 

Sinabi rin niya na may ginagamit na feedback system ang MTRCB para matiyak ang pananagutan ng mga content platforms sa Pilipinas.

 

 

Ibinunyag din niya na aktibong nakikiisa ang MTRCB sa pagsusulong sa kongreso na mapalawak ang hurisdiksyon ng Ahensiya sa regulasyon ng mga digital streaming services.

 

 

Wala sa 1986 Charter ng MTRCB ang mandato pagdating sa kontrol ng online platforms.

 

 

Gayunpaman, binigyang-diin ni Sotto-Antonio na ang pangunahing mandato ng MTRCB ay hindi ang mag-censor, kundi paigtingin pa ang pagbalanse ng kalayaan sa pamamahayag at ang kapakanan ng pamilyang Pilipino partikular ang kabataan.

 

 

“Mayroon kaming tinatawag na ‘X’ rating para sa materyal na talagang labag sa ispiritu ng Presidential Decree 1986,” sabi ni Sotto-Antonio. “Pero, ang aming pangunahing mga rating — G, PG, R-13, R-16, at R-18 — ay ang palagian naming ibinibigay bilang takda ng aming Charter PD 1986.”

 

 

Tumanggap ng papuri ang programa ng MTRCB na Responsableng Panonood (RP) at may ilang bansa ang nagpakita ng interes na gayahin ito. (ROHN ROMULO)

Other News
  • Warriors naghahanda sa kanilang victory parade

    NAGHAHANDA na ang mga fans ng Golden State Warriors sa gagawin nilang victory parade matapos makuha ang kampeonato sa NBA ng talunin nila ang Boston Celtics.     Magiging maiksi lamang ang parada na aabot sa mahigit isang kilometro pero magiging magarbo ang isasagawang programa matapos na makuha ang ikaapat na kampeonato sa kasaysayan ng […]

  • 19th Congress pormal na magbubukas ngayong Hulyo 25

    PORMAL na magbubukas ang 19th Congress sa Lunes, Hulyo 25, 2022 kung saan ang Senado ay pinangungunahan ni acting Senate President Juan Miguel “Migz” F. Zubiri.     Alas-10 ng umaga inaasahang magsisimula ang First Regular Session at magkakaroon ng halalan ng mga opisyal sa Senate Plenary Hall.     Kabilang sa mga ihahalal ang […]

  • West Philippine Sea, ang ‘real flashpoint’, hindi ang Taiwan-Amb. Romualdez

    SINABI ni Philippine Ambassador to US Jose Manuel Romualdez na ang West Philippine Sea (WPS) ang “real flashpoint” para sa armed conflict sa Asya at hindi ang isyu ng Taiwan.     Sa pagsasalita ni Romualdez sa Consular Corps of the Philippines, nagpahiwatig ito na ang tensyon sa mga nakalipas na buwan sa pagitan ng […]