Charles III, nagpaabot kay PBBM ng “warmest felicitations” para sa ina nitong si Unang Ginang Imelda Marcos
- Published on May 11, 2023
- by @peoplesbalita
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magkakilala ang kanyang ina na si Unang Ginang Imelda Marcos at King Charles III.
Sa katunayan aniya ay tinanong at kinamusta ni King Charles III ang kanyang ina sa idinaos na coronation nitong weekend.
Ikinuwento ng Pangulo na matagal ng magkakilala ang kanyang ina na si Imelda at King Charles III dahil sa mga meeting ng kanyang namayapa at dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. nang ang huli ay Pangulo pa ng bansa.
“Kasi kilalang-kilala niya talaga ‘yan eh. Magkakilala talaga sila. Ako nakilala ko siya mga two or three times pero ‘yung si mother ko talaga ‘yung… Kasi mga foreign—siya ang laging representative ng reyna, mommy ko naman ang representative ng father ko,” ayon kay Pangulong Marcos.
“So lagi silang nagkikita kung saan-saan. And he said, ‘Well, give her my warmest felicitations. We had so much fun together,’ sabi niya. And I said, ‘Well, congratulations on your coronation’,” dagdag na wika nito.
Nito lamang Mayo 6 ay dumalo si Pangulong Marcos sa koronasyon ni King Charles kung saan sinabi ng una sa huli na nagpapaabot ng pagbati ang kanyang ina na si Imelda para sa nasabing koronasyon.
“And I told him – I then went and said, “My mother when she found out – my mother Imelda…” ‘Pag Imelda nakilala na niya. “My mother Imelda, when she knew that I was coming here, wanted to send you her best wishes and congratulations for your coronation.” And he said, “How is she?” ang pagbabahagi ng Pangulo.
“He was very nice. He clearly knows about the Philippines. Marami siyang kaibigan na Pilipino,” dagdag na wika nito.
Binanggit din ng Punong Ehekutibo ang saglit na pagkikita at pag-uusap nila ni King Charles, nabanggit ng huli na labis na nagdurusa ang Pilipinas mula sa mga bagyo dahil sa climate change.
Sinabi pa ni King Charles na wala ni isa man ang nakikinig sa babala laban sa epekto ng climate change.
“I just caught a few moments with him. Kinamayan ko. Nagpakilala ako. The minute he heard Philippines sabi niya, ‘It’s terrible what you have to endure, all of these typhoons that climate change has brought,'” ayon sa Pangulo.
“Sinabi ko nga sa kanya, ‘Yes, Your Majesty, you have actually been warning us about this for a very long time,’ So yeah, well sabi niya, ‘but nobody was listening,'” dagdag na pahayag nito.
(Daris Jose)
-
Sen Jinggoy Estrada guilty sa bribery, inabswelto sa ‘plunder’ kaugnay ng PDAF scam
INABSWELTO ng Sandiganbayan si Sen. Jinggoy Estrada sa kasong pandarambong kaugnay ng pangungurakot ng P183 milyon mula sa kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel — pero maaari siya makulong ng 12 taon. Ito ang inanunsyo ng anti-graft court ngayong Biyernes matapos umabot ng halos 10 taon ang kasong Hunyo 2014 […]
-
TOM, gumawa ng special poem at video para sa 35th birthday ni CARLA; walang celebration dahil parehong nasa lock-in taping
KAHIT nasa kani-kanilang lock-in taping ang engaged couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez, hindi sila nawawalan ng communication sa isa’t isa. Nitong nakaraang 35th birthday ni Carla, gumawa ng special poem at video si Tom para sa kanyang fiancee na kasalukuyang nasa lock-in taping ng teleseryeng To Have And To Hold. […]
-
Utos ni PBBM, patuloy na pagbabawas sa import duty rates sa bigas, mais at karne
PINALAWIG ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pansamantalang modipikasyon o pagbabago sa rates ng import duty sa bigas, mais at meat products hanggang Disyembre 2024 upang masiguro na abot-kaya ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa gitna ng epekto ng El Niño phenomenon at African Swine Fever. Sa paglagda sa Executive Order No. […]