CHARO at CHRISTIAN, waging Best Actress at Best Actor sa ‘MMFF 2021’; DANIEL, tumanggap ng Jury Prize Award
- Published on December 29, 2021
- by @peoplesbalita
HANGA naman kami kay Edgar Allan Guzman dahil finally ay natupad na rin niya ang dream niyang maibili ng bahay ang kanyang Mommy Sarrie de Guzman.
Last Christmas eve ay sinorpresa ni EA ang kanyang mommy by bringing her sa isang bahay. Naka-blindfold pa si Mommy Sarrie at nang alisin ni EA ang piring sa kanyang mga mata ay tumambad sa kanya ang bagong biling bahay ni EA.
The new house is located at Topman Village, BF International Homes, Las Pinas City.
Ayon sa sister ni EA na si Michelle, si EA daw ang nag-ayos lahat sa bahay. Hindi nila alam kung magkano ang bili ni EA sa house.
Pero hindi pa raw nakalipat doon si Mommy Sarrie.
Sa kanyang IG account na ea_guzman, he posted, “Priceless moment of my life. This is for you! Merry Christmas, Ma! Enjoy our new house, AKO NAMAN MA.”
When we asked kung nakalipat na sila, Michelle said hindi pa raw. Hindi pa raw fully furnished ang bahay. Baka raw next year pa, once maayos na ni EA.
We would like to commend EA for being a good son. Matagal na niyang dream na maibili ng bahay ang kanyang mommy. Ito ang dahilan kung bakit masipag siya sa trabaho.
***
SINA Christian Bables at Charo Santos ang nagwagi ng top acting awards sa katatapos lang na ‘47th Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal’.
Ang awards night ay ginanap last Monday, December 27, sa Samsung Hall in SM Aura Premier.
Waging Best Actor si Christian para sa Big Night na nanalong Best Picture at Charo naman ang tinanghal na Best Actress para sa Kun Maupay Man It Panahon na Second Best Picture.
Si John Arcilla na nominated ng dalawang beses for Best Actor in a Supporting Role para sa Big Night! na kung saan siya nanalo at A Hard Day.
Ang newbie actress na si Rans Rifol ng Kun Maupay Man It Panahon ang nag-uwi ng tropeo ng best supporting actress.
Samantalang ipinagkaloob kay Daniel Padilla ang Jury Prize Award para sa kanyang performance sa Kun Maupay Man It Panahon.
Narito ang full list of winners:
- Best Picture: Big Night!
- Second Best Picture: Kun Maupay Man It Panahon
- Third Best Picture: A Hard Day
- Best Director: Jun Robles Lana, Big Night!
- MMFF Jury Prize Award: Daniel Padilla, Kun Maupay Man It Panahon
- Best Actress in a Leading Role: Charo Santos, Kun Maupay Man It Panahon
- Best Actor in a Leading Role: Christian Bables, Big Night!
- Best Actress in a Supporting Role: Rans Rifol, Kun Maupay Man It Panahon
- Best Actor in a Supporting Role: John Arcilla, Big Night!
- Best Screenplay: Jun Robles Lana, Big Night!
- Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural Award: Kun Maupay Man It Panahon
- Best Cinematography: Carlo Canlas, Big Night!
- Best Production Design: Juan Manuel Alcazaren, Kun Maupay Man It Panahon
- Best Visual Effects: Mofac Creative Works, Hue Media Quantum Post, Ogie Tiglao, Kun Maupay Man It Panahon
- Best Editing: Lawrence Fajardo, A Hard Day
- Best Original Theme Song: “Umulan Man O Umaraw,” Huling Ulan sa Tag-araw
- Best Musical Score: Teresa Barrozo, Big Night!
- Best Sound: Albert Michael Idioma, A Hard Day
- Best Float:Huwag Kang Lalabas
- Gender Sensitivity Award: Big Night!
- MMFF Creator Jury’s Choice Award: Kandado
- Natatanging Gawad MMFF: Chairman Danny Lim and Bienvenido Lumbera
- Marichu Vera Perez Maceda Memorial Award: Rosa Rosal
(RICKY CALDERON)
-
Pagbabalik ng Governor’s Cup inaayos na ng PBA
PINAPLANO na ng pamunuan ng Philippine Basketball Association (PBA) kung paano nito itutuloy ang naudlot na PBA Season 46 Governors’ Cup. Tengga muna ang liga dahil patuloy na lumolobo ang bilang ng tinatamaan ng coronavirus disease (COVID-19). Kaya naman habang naghihintay, nag-iisip na ng iba’t ibang paraan ang PBA para sa […]
-
45 na matataas na mga opisyal sa E. Visayas binatikos si VP Sara sa walang ingat, mapaghating aksyon
KINONDENA ng 45 na matataas na mga opisyal ng Eastern Visayas si Vice President Sara Duterte kaugnay ng walang ingat at mapaghating aksyon nito laban kina Pangulong Bongbong Marcos at Speaker Ferdinand Martin Romualdez. Pinangunahan nina Leyte Rep. Anna Victoria Veloso-Tuazon, Biliran Rep. Gerardo “Gerryboy” J. Espina Jr., at Samar Reps. Reynolds […]
-
EJ Obiena ‘wagi ng gold medal sa torneyo sa Sweden
MULI na namang nakasungkit ng gold medal ang Pinoy pole vaulter at Olympian na si EJ Obiena matapos magtala ng 5.92 meters sa ginanap na torneyo sa Taby Stavhoppsgala sa Sweden. Nalampasan ni Obiena ang dati niyang personal best na 5.85 meters doon sa Italy. Kung maalala noong buwan lamang ng […]