Chavit handang mamagitan sa pamilya Yulo
- Published on November 5, 2024
- by @peoplesbalita
SA PAGPASOK ng Kapaskuhan ay inalok ni dating Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson (gitna) ang kanyang sarili para maging simbolo ng pagmamahal at pagpapatawad sa pagitan ni Paris Olympic hero Carlos Yulo at ng kanyang amang si Andrew (ikalawa mula sa kaliwa), ina na si Angelica (ikatlo mula sa kaliwa) at mga kapatid na sina Elaiza.
(ikalawa mula sa kanan) at Eldrew (kanan). Nagkaroon ng sigalot ang pamilya Yulo simula noong nakaraang taon. Lalo pa silang nagkalayo nang manalo si Carlos ng dalawang gold medals sa Paris Olympics.
Sinabi ni Singson na walang katumbas na tagumpay ang maaaring pumantay sa pag-ibig at respeto para sa kanyang pamilya. Ayon kay Singson, ang pagpapatawad, pag-uunawaan at pagmamalasakit ang dapat mangibabaw sa mga pamilyang Pilipino. At sa papalapait na Kapaskuhan ay sinabi ni Singson na ipinagdarasal ng sambayanan ang muling pagsasama-sama ng mga Yulo.
Nauna nang binigyan ni Singson ang pamilya Yulo ng isang pre-Yuletide present na P1 milyon.
-
“Venom” Is Back With A Vengeance, Sink Your Teeth Into The First Trailer For Sequel “Let There Be Carnage”
VENOM is back, with a vengeance! Sink your teeth into the first official Venom: Let There Be Carnage trailer which has just been released by Columbia Pictures. The upcoming Spider-Man spinoff film is the sequel to 2018’s Venom. Watch the trailer below: YouTube: https://youtu.be/QDcJShzg6HI Following the success of the first film, Sony […]
-
Sandro, iba pang Marcoses sa Ilocos Norte, pinroklamang panalo sa local polls
LAOAG CITY, Ilocos Norte- PINROKLAMA ng Commission on Elections (Comelec) ang political neophyte na si Sandro Marcos bilang panalo sa first district congressional race sa Ilocos Norte, araw ng Martes. “Maraming salamat sa tiwala at suporta ng aking mga kakailian. Napakalaking bagay po nito para sa akin dahil ito po ang unang beses […]
-
REKLAMO NI PANGILINAN, IIMBESTIGAHAN NG NBI
IPINAG-UTOS ng Department of Justice (DOJ) sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang reklamo na inihain ni Sen. Francis “Kiko” N. Pangilinan laban sa dalawang YouTube channels sa umano’y pag-atake at pekeng ulat na pinost laban sa kanya at sa kanyang pamilya. Ang imbestigasyon ay kinumpirma ni State Counsel Angela […]