Checkpoint operations sa mga boundaries ng NCR Plus bubble pinalakas pa – PNP
- Published on April 8, 2021
- by @peoplesbalita
Pinalakas pa ng PNP region 3 ang kanilang checkpoint operations sa mga boundaries patungo at palabas ng NCR Plus Bubble ngayong pinalawig ng isang linggo ang enhanced community quarantine sa mga nasabing lugar.
Ayon kay PNP PRO-3 regional police director BGen Val Deleon, kahit hindi kasama ang kaniyang area sa ECQ, kanilang sisiguraduhin na walang makakalabas at makakapasok na mga indibidwal.
Sinabi ni De Leon mga essential delivery at mga authorized persons outside residence (APOR) lamang ang kanilang pinalalagpas sa mga checkpoints.
Aniya, mahigpit ang direktiba ni PNP Chief Gen. Debold Sinas sa kanila na mga regional police directors ng PRO-3, PRO-4A Calabarzon at NCRPO na tiyakin na nasusunod ang IATF guidelines sa implementasyon ng ECQ.
-
Gilas todo kayod na sa ensayo
PUKPUKAN na sa ensayo ang Gilas Pilipinas para paghandaan ang first window ng FIBA World Cup Qualifiers na papalo sa Pebrero 24 hanggang 28 sa Smart Araneta Coliseum. Kasama na ng Gilas Pilipinas pool ang mga players ng Talk ’N Text Tropang Giga matapos ang mga laro nito sa PBA Season 46 Govenors’ […]
-
Sec. Cimatu, sinuspinde ang quarry operations sa Guinobatan, Albay
SINUSPINDE ni Environment Secretary Roy Cimatu ang quarry operations sa Guinobatan, Albay makaraan ang pinsala na dulot ng Bagyong Rolly. Sa press briefing, sinabi ni Cimatu na may apat na katao ang namatay at tatlo naman ang nailibing ng rumagasang lahar mula Mayon Volcano. Ani Cimatu, malakas kasi ang agos ng tubig- baha […]
-
COVAX INAPRUBAHAN NA ANG $150-M PARA SA MGA MAHIHIRAP NA BANSA
INAPRUBAHAN na ng GAVI vaccine alliance’s board ang $150 million na pondo para matulungan ang 92 na low and middle income na bansa sa paggawa ng bakuna laban sa coronavirus. Ang inisyal na pondo ay para makatulong sa COVAX facility sa kanilang operational level at matiyak ang routine immuniza- tion programs sa mga karapat- […]