Checkpoint tinakbuhan, rider arestado sa Malabon
- Published on September 28, 2024
- by @peoplesbalita
BINITBIT sa selda ang 25-anyos na rider matapos takbuhan ang mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Sita nang parahin siya dahil walang suot ng helmet sa Malabon City.
Tumagal din ng ilang minuto ang habulan sa pagitan ng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 2 at ng rider na si alyas Jay-ar, residente ng Paz St. Brgy. Tugatog, bago siya tuluyang masukol dakong ala-1:30 ng madaling araw.
Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, nagsasagawa ng Oplan Sita ang kanyang mga tauhan sa kanto ng M.H. Del Pilar at Basilio Streets sa Brgy. Tugatog bilang paraan ng pagsugpo sa kriminalidad nang parahin nila ang suspek na walang suot na helmet.
Bahagyang nag-menor muna suspek subalit, biglang humarurot patakas na dahilan para siya habulin hanggang tuluyang ma-korner sa Paez Street sa Barangay Concepcion.
Natuklasan din na walang rehistro ang motorsiklong minamaneho ng suspek kaya’t bukod sa paglabag sa R.A 10054 o ang Motorcycle Helmet Act at paglabag sa Art. 151 ng Kodigo Penal o ang Resistance and Disobedience to an Agent of Person in Authority, kinasuhan din siya ng paglabag sa R.A. 4136 o unregistered motorcycle sa Malabon City Prosecutor’s Office.
Ayon kay Col. Baybayan, nakikipag-ugnayan na sila sa Higway Patrol Group (HPG) upang alamin kung naka-alarma ang motorsiklong minamaneho ng suspek. (Richard Mesa)
-
Binyag sa Gilas ni Sotto apektado ng G League
MAARING hindi matuloy ang ‘binyag’ ni Kai Zachary Sotto sa Gilas Pilipinas sa darating na Pebrero 18-22 sa pagsabak sa International Basketball Federation (FIBA) 2021 Asia Cup final window bubble sa Clark, Angeles, Pampanga. Tama rito ang opening ng 20th National Basketball Association (NBA) G League 2021. Simula ng training camp ng liga sa […]
-
Amanda Villanueva, may lalim ang hugot
HINDI na nakontrol ni indoor volleyball star Amanda Villanueva ang emosyon nang isapubliko ang kanyang malalim na hugot. Sa Twitter account ng paalis sa Philippine SuperLiga (PSL) at pabalik ng Premier Volleyball League (PVL) player, dama na may pinagdadaanan siya na hindi lang sa pinangalanang isang kaibigan. “They are your friend until they […]
-
Malakanyang, kumpiyansa sa ‘better-than-expected 2024 inflation’
KUMPIYANSA ang Malakanyang na matatapos ng bansa ang taon na may maliwanag na ‘inflation environment’ kasunod ng pagbagal ng rate sa pagtaas ng presyo ng kalakal at serbisyo nito lamang nakaraang buwan. “We are upbeat in our belief that average inflation for 2024 will be better than expected,” ang nakasaad sa kalatas ng Presidential […]