CHED: 126 unibersidad, nagpatupad ng academic break; 123 pa susunod na rin
- Published on January 15, 2022
- by @peoplesbalita
KABUUANG 126 unibersidad na sa bansa ang nagpatupad ng academic break simula nitong Enero, kasunod nang panibagong surge ng COVID-19.
Ayon kay Commission on Higher Education (CHED) chairperson Prospero de Vera III, may ilang unibersidad ang nagdeklara na ng academic break bago pa man itaas ang Alert Level 3 ng COVID-19 sa ilang lugar sa Pilipinas.
Karamihan sa mga naturang unibersidad ay nasa National Capital Region (NCR) at Calabarzon, na parehong nakakapagtala ng mga mataas na bilang ng mga bagong kaso ng sakit.
Mayroon pang 123 unibersidad ang nakatakda na ring magdeklara ng academic break sa mga susunod na araw.
Marami aniya sa mga ito ang nagdesisyon na sa Pebrero na lamang muling magbubukas ng limited face-to-face classes.
Kaugnay nito, sinabi naman ni de Vera na hindi naman na kinakailangang magdeklara ng nationwide academic break dahil ang mga unibersidad ay may diskresyon na pansamantalang ipatigil ang kanilang mga aktibidad.
-
RABIYA, nangangalampag na sa pageant fans na iboto para sure na sa Top 21 ng ‘69th Miss Universe’
NANGANGALAMPAG si Miss Univese Philippines Rabiya Mateo sa maraming pageant fans na bigyan siya ng boto para makasama siya sa Top 21 ng Miss Universe beauty pageant. Post ni Rabiya sa Instagram: “Be your own legend. Build your own empire. Please vote for me and help me get into the top 21 of […]
-
Kampo ni WNBA star Brittney Griner lubos ang pasasalamat sa mga suportang nakukuha matapos maaresto sa Russia
Labis ang pasasalamat ng kampo ni WNBA star Brittney Griner sa mga suportang nakukuha nito matapos na maaresto sa Russia ng makuhanan ng illegal substance. Sinabi ng kanyang asawang si Cherelle Griner na nagpapasalamat ito sa mga fans at mga kaanak nila na nagpaabot ng pagdarasal para agad na makalaya ito. […]
-
ALA Boxing Promotions, nagsara; mga boxer, napaiyak
Matapos ang 35 taon na pagpo-produce ng sikat na Pinoy Pride boxing series, tuluyan nang ibinato ng ALA Boxing Promotions ang towel at nagsara dahil sa epekto ng coronavirus pandemic at pagkasara ng ABS-CBN. Isinara ng ALA ang kanilang promotional outfit maging ang kanilang boxing gym, na lumikha ng sikat na boksingero ng bansa […]