• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CHED, dumepensa sa umano’y ‘misuse’ ng P10-B fund

IPINAGTANGGOL ng Commission on Higher Education (CHED) ang paggamit umano ng P10 billion halaga ng pondo, para sa mga scholarship ng mga mag-aaral sa tertiary, na inaangkin ni Northern Samar 1st district Representative Paul Daza na ginagamit sa maling paraan.

 

 

Sa isang pahayag, binigyang-diin ni Commission on Higher Education o CHED chairman Prospero de Vera III na ang Higher Education Development Fund (HEDF) ay inilagay sa Commission on Higher Education charter para pondohan ang mga proyekto para palakasin ang mas mataas na edukasyon.

 

 

Ito ay ang kanyang naging sagot sa mga alegasyon ni Rep. Daza sa pagdinig ng House Committee on Higher and Technical Education na ang P10 billion ay ginagamit para sa iba pang layunin.

 

 

Kung matatandaan, tinatalakay nuon ng komite ang House Resolution No. 767 na nananawagan sa gobyerno na pagbutihin ang access sa tertiary education at bawasan ang attrition rates sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o 4Ps.

 

 

Kabilang din sa usapin ang iba pang karapat-dapat na issue at financially challenged na mga estudyante sa pamamagitan ng pagtaas ng budget allocation para sa mga scholarship.

 

 

Una na rito, inihayag ni Baguio City Representative Mark Go na magpapatawag ang komite para sa isa pang pagdinig upang talakayin ang nasabing usapin. (Daris Jose)

Other News
  • House-to-house jabs para sa mga seniors, mga may comorbidities, itinutulak

    MULING nanawagan ang Malakanyang sa local government units (LGUs) na ikunsidera ang house-to-house vaccination drives upang mabakunahan laban sa Covid-19 ang mas maraming senior citizens at mga taong may comorbidities.     Sinabi ni actng Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, na ang pagbibigay ng vaccination services sa bahay ay mas makapagbibigay ng “convenience’ […]

  • 20th Century Studios Releases New Trailer and Poster for ‘Avatar: The Way of Water’

    THE sequel to the highest-grossing movie of all time is coming to theaters this December!   20th Century Studios has released a new trailer and poster for Avatar: The Way of Water, James Cameron’s highly anticipated, first follow-up to his Academy Award-winning Avatar, the highest-grossing film of all time.     In celebration of the […]

  • Walang pagsisikip sa pantalan ngayong holiday season

    WALANG nakikitang pagsisikip sa mga pantalan ngayong holiday season, ayon kay Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago.        Kasabay nito, muling nagpaalala si Santiago s amga pasahero na mag-ingat sa mga masasamang-loob na target manloko sa mga pasaherong babiyahe sa kani-kanilang mga probinsya.   Nagpapatupad na ng heightened alert sa lahat […]