• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CHED, gumawa ng aksyon laban sa Caloocan college na kontra sa phase-out order sa 5 programa

HINIKAYAT ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga apektadong estudyante ng St. Vincent De Ferrer College of Camarin (SVDFCC) sa Caloocan City na makipag-ugnayan sa National Capital Region (NCR) office para sa ‘guidance at assistance.’

 

 

 

 

Ito’y matapos na i-post ng CHED, kasama ang local government ng Caloocan ang notices sa labas ng SVDFCC at sa buong lungsod para ipabatid sa publiko ang pagsasara ng mga programa nito.

 

 

 

“We encourage affected students to reach out to CHED-NCR for assistance and guidance,” ayon kay CHED Secretary Popoy De Vera.

 

 

 

Ginawa ng CHED ang hakbang na ito kasunod ng pagsuway ng SVDFCC sa kautusan na ‘i-phase out’ ang limang programa kabilang na ang Bachelor of Elementary Education, Bachelor of Science in Accountancy, Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management, Bachelor of Science in Information Technology, at Bachelor of Secondary Education.

 

 

 

Taong 2021, ipinag-utos ng CHED ang pag-phase-out ng mga nasabing programa ng SVDFCC dahil sa “deficiencies in their academic performance and achievement” natuklasan matapos ang masusing ebalwasyon at balidasyon.

 

 

“SVDFCC is no longer included in the list of higher education institutions authorized to offer the aforementioned degree programs,” ayon sa CHED.

 

 

 

Binigyang diin ng CHED na ang SVDFCC ay “prohibited” mula sa pagtanggap ng mga estudyante para sa enrollment sa mga naturang programa simula sa 1st term ng Academic Year (AY) 2022-2023.

 

 

 

“Students who were already enrolled that year will be allowed to complete their studies until graduation or transfer to other institutions” with the assistance of CHED-NCR.

 

 

“Students who entered these programs as first-year students in AY 2022-2023 will not be given a Special Order, which is a requirement for graduation,” ang sinabi ng CHED.

 

 

Sinabi pa ng CHED na noong 2022, naghain ang SVDFCC ng urgent motion kung saan hinihiling sa Komisyon na i-withdraw ang kautusan. Tinanggihan ng CHED ang naturang request na may finality, tinukoy ang “no legal and compelling reasons to reverse the decision.”

 

 

“Although this denial of appeal was questioned by SVDFCC in other courts of competent jurisdiction, CHED has not received any injunction or relief against the implementation of its decision,”ayon kay De Vera.

 

 

 

Samantala, tinuran ni De Vera na magsisilbi ito bilang “red light” sa higher education institutions (HEIs) sa iba’t ibang bahagi ng bansa para “improve the quality and performance” ng kanilang academic programs.

 

 

“We don’t tolerate this kind of behavior and performance,” ang sinabi ni De Vera.

 

 

 

Idinagdag pa ng CHED, ipinagpapatuloy nito ang pagsusuri sa academic performance at achievements ng degree programs upang “ensure that our students receive the quality of education they deserve.” (Daris Jose)

 

Other News
  • 22-K bilanggo pinalaya – Año

    Humigit kumulang 22,000 detainees ang pinalaya sa hangad na luwagan ang mga overcrowded nang bilangguan sa buong bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.   Sa isang statement, sinabi ni DILG chief Eduardo Año na 21,850 persons deprived of liberty (PDLs) ang pinalaya mula Marso 17 hanggang Hulyo 13 sa loob ng 470 kulungan na hawak […]

  • Maharlika Fund lusot na sa Senado

    LUSOT na sa ikatlo at pinal na pagbasa ng Senado ang panukala para sa pagbuo ng Maharlika Investment Fund (MIF) na sinertipikahang urgent ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.     Sa botong 19-2-1, ipinasa ng Senado ang Se­nate Bill No. 2020 o Maharlika Investment Fund Act of 2023.     Sina Senate Minority Leader Aquilino […]

  • 2 tricycle driver na tirador ng cable wire sa Malabon, timbog!

    HIMAS-REHAS ang dalawang tricycle driver na kapwa tirador umano ng mga cable wire matapos maaresto ng mga rumespondeng pulis sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.     Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jonathan Tangonan ang mga naarestong suspek na sina Chester Esmundo, 27 ng Sto Niño St., Brgy. Concepcion at Crisanto Magallanes, 37 […]