CHED, nagpahayag ng interes na busisiin ang k-12 program sa bansa
- Published on June 24, 2022
- by @peoplesbalita
NAGPAHAYAG ng interes ang Commission on Higher Education (CHED) na busisiin ang pagiging epektibo ng K-12 program sa bansa.
Ginawa ni CHED Chairman Prospero de Vera ang naturang pahayag ng tanungin hinggil sa posisyon nito sa isinusulong na pagbuwag sa K-12 system.
Paliwanag ng opisyal na ipinatupad ang K-12 program bago pa man ang Duterte administration. Kailangan aniya na makita ang mga data mula sa ground at ihanay ito sa policy objectives ng batas at saka aniya gagawa ng desisyon hinggil sa naturang uspain.
Ayon kay De Vera , ang K-12 program sa Pilipinas ay naiiba dahil layon nito na makapag-produce pareho ng mga employable at university-ready graduates sa loob ng dalawang taon.
Aniya, ang pinakalayunin ng K-12 ay para maihanda ang mga estudyante para sa university education upang sa oras na tumuntong ang mga ito sa kolehiyo, major subject na dapat ang kanilang kinukuha.
Subalit ang K-12 program aniya sa Pilipinas ay naiiba dahil kapag nakapagtapos ng K-12 ang mga estudyante maaari na rin ang mga itong makapagtrabaho at kumita.
Lumutang ang usapin hinggil sa pagbuwag sa K-12 education system kasabay ng nallapit na pagpapalit ng bagong adminsitrasyon sa Hunyo 30.
Subalit ang K-12 program aniya sa Pilipinas ay naiiba dahil kapag nakapagtapos ng K-12 ang mga estudyante maaari na rin ang mga itong makapagtrabaho at kumita. (Daris Jose)
-
Magkapatid na bebot timbog sa P.5M droga sa Caloocan
NASAMSAM ng pulisya sa magkapatid na ginang na sangkot umano sa pagtutulak ng droga ang mahigit P.5 milyong halaga ng shabu makaraang maaresto sa buy bust operation sa Caloocan City, Martes ng umaga. Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na sina alyas Pinky, 54 ng Brgy. […]
-
Zamboanga City, kampeon sa Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 Presidents Cup
NAKUHA ng Zamboanga City ang kampeonato sa 2020 Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 President’s Cup. Ito ay matapos talunin nila ang Nueva Ecija Rice Vanguards sa score na 22-19. Bumida sa panalo ng Zamboanga sina Joshua Munzon at Alvin Pasaol na kapwa nagtala ng tig-7 points. Bukod sa tituloy ay nag-uwi ang koponan ng […]
-
Ads November 5, 2022