• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Chel Diokno binansagang ‘pambansang chicken’ ang kandidatong ayaw sumipot sa debate

TINAWAG  ni senatorial candidate at human rights lawyer Chel Diokno na “pambansang chicken” ang isang kandidato na ayaw sumipot sa mga debate.

 

 

Hindi man nagbanggit ng pangalan, si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. lang ang tanging kandidato sa pagkapangulo ang hindi humaharap sa debate.

 

 

Tumanggi rin si Marcos sa imbitasyon na one-on-one debate ni Vice President at kapwa presidential aspirant na si Leni Robredo.

 

 

“Sabi nila ‘pambansang chicken’ daw ‘yung ayaw sumipot sa debate. Pero buti pa ang chicken, sinusuri, kinikilatis, tinitimbang bago piliin at bilhin,” ani Diokno sa isang post sa Twitter.

 

 

Iginiit pa ni Diokno na ang debate ay magandang paraan upang sukatin at timbangin ang mga kandidato kung karapat-dapat ba silang makakuha ng boto ng taumbayan.

 

 

“Nagdaraos tayo ng mga debate para matimbang ang mga kandidato at makita kung karapat-dapat ba sila sa boto natin. Sana kung gaano tayo ka-pihikan sa manok na binibili sa palengke, ganon din sa manok natin sa eleksyon,” ani Diokno.

 

 

Sa isang hiwalay na social media post, sinabi ni Diokno na kung sa debate ay takot na ang isang kandidato sa pagkapangulo, paano pa kung naharap na siya sa mabibigat na problema ng bansa.

Other News
  • Pinay tennis star Alex Eala nabigo sa opening game ng W25 Madrid

    Nabigo si Filipina tennis player Alex Eala sa unang round W25 Madrid.     Tinalo kasi siya ni Andrea Lazaro Garcia ng Spain 2-6, 6-4, 6-4.     Sa unang set ay hawak ng 16-anyos na world number 630 ang kalamangan hanggang nakabangon at umarangkada si Lazaro Garcia.     Unang nagwagi ang Rafa Nadal […]

  • Grateful na kasama ang ibang Pinoy sa Asian-American project: KC, kinumpirma na bibida sa ‘Asian Persuasion’ bilang kapalit ni TONI

    SA IG post ni KC Concepcion nakumpirma na ka-join na siya sa cast ng upcoming American movie na Asian Persuasion na directorial debut ni three-time Tony Awards and Grammy Awards winner Jhette Tolentino.     Ipinost ng primera prinsesa ni Megastar Sharon Cuneta ang screengrab ng article sa Variety Magazine na kung saan kasama niya […]

  • WHO naniniwalang mayroon ng bakuna laban sa COVID-19 sa katapusan ng taon

    NANINIWALA ang World Health Organization (WHO) na posible sa katapusan ng taon ay mayroon ng bakuna laban sa COVID-19.   Sinabi ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, na maraming mga bansa na ang nag-uunahan na na gumawa na ng bakuna.   Mayroon na kasing siyam na experimental vaccines sa ilalim ng WHO-led COVAX global vaccine […]