Chemistry tututukan ni Sotto
- Published on February 13, 2021
- by @peoplesbalita
Desidido si Kai Sotto na makatulong sa kampanya ng Gilas Pilipinas sa third window ng FIBA Asia Cup Qualifiers na lalarga mula Pebrero 18 hanggang 22 sa Doha, Qatar.
Kaya naman nais ng 7-foot-3 na bumuo ng magandang samahan kasama ang mga teammates nito sa Gilas Pilipinas pool para maging maganda rin ang resulta ng kanilang laban.
Aminado si Sotto na halos lahat ng miyembro ng Gilas pool ay bago lamang nito makakasama sa koponan.
Ngunit handa ang dating UAAP Juniors MVP na gawin ang lahat upang mabilis na makaagapay sa sistema ng Gilas Pilipinas.
“Gusto ko lang ngayon na makapag-bond ng maayos sa mga magiging teammates ko kasi halos lahat ng mga players sa Gilas, first time ko kasi makakasama halos silang lahat,” ani Sotto sa programang Puso Pilipinas.
Ilang araw lamang makakasama ni Sotto sa training camp ang Gilas Pilipinas dahil target ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na umalis ang buong delegasyon bukas (Sabado) patungong Doha.
May mga agam agam na posible na namang ma-postpone ang third window dahil tumaas ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa Qatar.
Subalit tiniyak naman ng ilang opisyales doon na maganda ang paghawak ng Qatar sa sitwasyon dahil sa mas mahigpit na pagpapatupad ng batas kumpara sa ibang bansa.
-
LeBron James nananatiling highest-paid NBA player ng Forbes
HAWAK pa rin ni Los Angeles Lakers star LeBron James ang may titulong highest paid na manlalaro sa NBA. Ayon sa Forbes, na ito na ang pang-11 na taon na hawak ni James ang nasabing titulo. Ngayong 2024-25 season kasi ay mayroon itong $48.7 milyon na sahod at estimated na $80-M […]
-
Ads November 8, 2021
-
Tayuan sa bus, nakasabit sa jeep bawal – MMDA
BINALAAN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga tsuper at operator ng mga pampasaherong bus at jeep sa mahigpit na pagbabawal sa mga nakatayo o nakasabit na pasahero kahit na inilagay na sa Alert Level 1 ang National Capital Region (NCR). Sinabi ni MMDA officer-in-charge and general manager Romando Artes na ito […]