Cheng muling papapako sa F2 Losgistics Cargo Movers
- Published on February 3, 2021
- by @peoplesbalita
NASA F2 Logistics Cargo Movers ng semi-professional Philippine SuperLiga (PSL) ang star volleyball player na si Desiree Wynea ‘Des’ Cheng sapul noon pang taong 2016.
At base sa kanyang Instagram account story, wala siyang planong tumawid ng liga (professional Premier Volleyball League) o lisanin ang kasalukuyang koponan.
Nagkaroon ng tanungan kasama ang mga netizen/sport fan na rito’y sasagot ng “true o false” lang ang ang 24 na taong-gulang, may taas na 5-8 na volleybelle sa mga tanong sa kanya.
At sa usisa ng isang fan/netizen sa plano niya sa pagbabalik ng liga sa buwang ito sa pamamagitan ng PSL Beach Volleyball Challenge Cup sa Subic, Zambales : “False. Love this team so much! Especially the management and the Uy family.”
Hahambalos ang nakatakdang tatlong araw na torneo sa Pebrero 25-27. Tengga pa ang liga buhat noong Marso dahil sa Coronavirus Disease 2019 pandemic. (REC)
-
BSP gov: Walang dapat ipangamba sa paghina ng piso
WALANG dapat na ipangamba ang publiko sa paghina ng piso kontra dolyar. Ito ang sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Gov. at incoming Finance Secretary Benjamin Diokno matapos pumalo sa P54.47 ang piso kontra dolyar. Itinuturing kasi na ito ang pinakamahinang halaga nito sa loob ng halos 17 taon. […]
-
AJ, pinagdiinan na never naging third party sa hiwalayang ALJUR at KYLIE
KAHIT nagsalita na si Kylie Padilla na Abril 2021 pa sila hiwalay ng asawang si Aljur Abrenica ay marami pa ring namba-bash kay AJ Raval na itinuturong 3rd party sa hiwalayan ng mag-asawa. Matatandaang kumalat sa social media ang larawan nina Aljur at AJ na nagmo-malling habang magka-holding hands at pinost ito ng netizens […]
-
Susunod na admin, dapat mag-invest sa digital infrastructure
NANAWAGAN si dating Speaker Alan Peter Cayetano sa susunod na bagong administrasyon na mag-invest sa digital infrastructure upang mas maging episyente ang automated voting system sa bansa at mabawasan ang pagkasira ng mga makina. “Gamechanger talaga ang automated elections pero dapat we have the digital infrastructure needed to make it work,” ani Cayetano. […]