• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

China harassment sa Ayungin hindi armadong pag-atake -Malakanyang

SINABI ng Malakanyang na hindi armadong pag-atake na maaaring mag-trigger sa Mutual Defense Treaty ng Pilipinas sa Estados Unidos ang bagong insidente ng harassment ng China vessels sa Philippine boats, dahilan para maputulan ng hinlalaki ng daliri ang isang Navy man at nasugatan ang iba.

 

 

 

Sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na ang insidente ay ”probably a misunderstanding or accident.”

 

 

”No, well this was probably a misunderstanding or accident, we are not yet ready to classify this as an armed attack. I don’t know kung ‘yung mga nakita namin is mga bolo, ax, nothing beyond that,” ayon kay Bersamin.

 

 

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na labis na nasaktan ang Philippine Navy serviceman sa banggaan sa pagitan ng Chinese ship at Filipino vessel na nagsagawa ng “rotation at resupply mission” sa Ayungin Shoal.

 

 

Ayon sa ulat, may pitong servicemen ang nasaktan noong June 17 hostile incident kabilang na ang na walang ng hinlalaki.

 

 

Nauna rito sinabi ni AFP Public Affairs Office chief Colonel Xerxes Trinidad na ang service member ay ligtas na nailikas at nakatanggap ng agarang medical treatment matapos na ang China Coast Guard’s (CCG) ay “intentional high-speed ramming” sa Philippine vessel.

 

 

Sinabi naman ni Presidential Assistant for Maritime Concerns Andres Centino na ang ipanawagan ang Mutual Defense Treaty (MDT) ay hindi pa kinokonsidera sa kabila ng  June 17 incident sa Ayungin Shoal sangkot ang Philippine Navy sailors at Chinese Coast Guard personnel.

 

 

”That has not been—, your question about the invocation of the Mutual Defense Treaty, that has not been considered in our discussions,” ayon kay Centino sa press conference sa Malakanyang.

 

 

Nauna rito pinangunahan ni Bersamin ang pangalawang pagpupulong ng National Maritime Council sa Palasyo ng Malakanyang isinagawa alinsunod sa mandato na nakasaad sa Executive Order No. 57, serye ng 2024, nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

 

“The meeting was also called upon in light of China’s recent hostile acts in the West Philippine Sea,” ayon kay Bersamin. (Daris Jose)

Other News
  • Ads June 21, 2021

  • NVOC, pangangasiwaan ni Health Usec Maria Rosario Vergeire pagpasok ng susunod na administrasyon

    SI  Health Usec. Maria Rosario Vergeire  ang  mangangasiwa sa National Vaccination Operations Center  (NVOC) sa pagpasok ng administrasyong Marcos.     Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni NVOC chairperson Usec. Myrna Cabotaje na walang dapat ipag -alala ang publiko dahil nasa mabuting kamay sila sa usapin ng vaccination campaign ng pamahalaan.     Ayon […]

  • Alert Level 1 hanggang matapos termino ni Duterte

    Mananatili ang Pilipinas sa Alert Level 1 hanggang matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hun­yo 30, 2022, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.   Sinabi ni Duque na wala pang polisiya tungkol sa posibleng magpapatupad ng Alert Level 0 at pinag-aaralan pa rin ito sa ngayon.     Idinagdag ni Duque na […]