China, muling pinagtibay ang commitment sa joint oil, gas development sa Pinas
- Published on February 2, 2024
- by @peoplesbalita
HINDI nagbabago ang posisyon ng China sa joint development ng oil at gas sa Pilipinas.
Nagpalabas ang Chinese Embassy ng kalatas bilang tugon sa suhestiyon ni dating Energy undersectary Eduardo Mañalac para sa isang independent oil at gas exploration ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).
“Our position on joint development of oil and gas with the Philippines remains,” ayon sa Chinese Embassy.
Sa isang online forum na inorganisa ng National Youth Movement para sa West Philippine Sea, binigyang-diin ni Mañalac ang kahalagahan na ipakita ang kakayahan ng Pilipinas para i-explore ang West Philippine Sea.
“The Philippines can and will explore the West Philippine Sea through a capable and well-organized national company that can do the job for us,” aniya pa rin.
Inulit naman nito ang posisyon ng National Task Force on the West Philippine Sea (NTF-WPS) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), na nauna nang nagpahayag ng kanilang layunin na magtatag ng gas field sa West Philippine Sea kahalintulad ng tagumpay ng Malampaya Gas Field.
Ang pagtugon sa mga concerns ng maaaring panghihimasok ng China, binigyang diin ni retired US Naval Captain at international defense at security analyst Carl Schuster ang hamon na pangasiwaan ang sitwasyon.
“The challenge will be how China interferes; one of the things they will do is military interference,” ayon pa rin kay Schuster.
Bilang tugon, sinabi naman ng Chinese Embassy na hindi ito tumutugon sa opinion ng mga eksperto.
Hinikayat nito ang mga kaugnay na bansa na iwasan ang anumang iresponsableng aksyon at igalang ang regional efforts para ipreserba ang kapayapaan at katatagan sa South China Sea. (Daris Jose)
-
COVID-19 tumaas ng 36 percent – DOH
PATULOY ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa makaraang makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,821 bagong kaso mula Disyembre 5 hanggang 11. Ito ay mas mataas ng 36 percent kung ikukumpara sa mga kasong naitala noong Nobyembre 28 hanggang Disyembre 4. Sa national COVID-18 case bulletin, nasa […]
-
Mahigit $700-K halaga ng cocaine nakumpiska sa border ng US at Mexico
NAKAKUMPISKA ang US ng cocaine na nagkakahalaga ng $700,000. Ayon sa US Customs and Border Protection, nasabat nila ang nasabing droga sa Hidalgo Bridge ng US-Mexico border na tawid lamang ng Rio Grande, Texas at Tamaulipas, Mexico. Base sa imbestigasyon, hinarang nila ang isang kahina-hinalang van at ng siyasatin nilang mabuti […]
-
Ads March 9, 2023