China, nag-donate ng $200,000 sa Agaton relief operations
- Published on April 20, 2022
- by @peoplesbalita
NAG-DONATE ang China ng $200,000, o P10.2 million, sa Pilipinas bilang suporta sa Tropical Storm Agaton relief operations ng bansa.
“Our hearts go out to all the Filipino families who were devastated by TropicalSstorm Agaton,” ayon kay Ambassador Huang Xilian sa Facebook.
“Chinese President Xi Jinping, State Councilor and Foreign Minister Wang Yi sent respectively messages of sympathy and solidarity to President [Rodrigo] Duterte and Foreign Secretary [Teodoro] Locsin today,” anito.
Idinagdag pa ng envoy na umaasa ang Chinese government na makakayanan ng mga apektadong pamilya na malampasan ang paghihirap at muling maitayo ang kanilang tirahan sa lalong madaling panahon.
Nauna rito, iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nananatiling pumalo sa 172 “as of Monday morning” ang namatay dahil kay “Agaton”.
Sinasabing 156 ang namatay mula sa Eastern Visayas, 11 mula sa Western Visayas, tatlo mula sa Davao, at dalawa mula sa Central Visayas.
Nananatili naman sa 110 ang bilang ng mga nawawalang indibidwal.
Samantala, tiniyak naman ng mga awtoridad na nagpapatuloy ang search and rescue operations kasabay nang pagpapahayag na umaasa sila na mas maraming survivors ang maililigtas. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
Kilalang elepante na si Mali pumanaw na
PUMANAW na ang nag-iisang elepante ng Manila Zoo na si Mali. Kinumpirma ni Manila City Mayor Honey Lacuna ang pagpanaw ni Vishwamali o kilala bilang si Mali na pumanaw nitong 3:45 ng hapon ng Martes. Isinagawa ng mga beterinaryo ang necropsy para malaman ang naging dahilan ng pagpanaw ni Mali. Si Mali […]
-
Contingency plan sa El Niño, gawin – Sen. Win
NANAWAGAN si Sen. Win Gatchalian sa Department of Energy (DOE) na gumawa ng mga contingency plan ngayong painit nang painit ang panahon para matiyak ang tuluy-tuloy na suplay ng kuryente sa gitna ng El Niño phenomenon. Ayon sa PAGASA, inaasahang mararanasan ng bansa ang rurok ng El Niño ngayong summer season. […]
-
NAVOTAS nakapasa sa DILG GOOD FINANCIAL HOUSEKEEPING
MULING nakapasa ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa Good Financial Housekeeping (GFH) standards ng Department of the Interior and Local Government (DILG). “This recognition is a testament to our commitment to transparent and honest utilization of public funds, ensuring that they are spent towards programs and services that contribute to the welfare of […]