• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

China, palalakasin ang pagkilos sa South China Sea- eksperto

INAASAHAN na ng isang international security expert na hindi magtatagal ay mas lalong palalakasin at paiigtingin ng China ang pagkilos nito sa South China Sea.

 

 

Layon ng magiging pagkilos ng China ang makontrol ang malaking bahagi ng pinagtatalunang katubigan.

 

 

Matatandaang, kamakailan lamang ay naging matagumpay ang pinakahuling resupply mission ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.

 

 

Ito na ang ikatlong resupply mission matapos ang insidente noong Agosto 5 kung saan binomba ng Chinese Coast Guard ang barko ng Pilipinas na magsasagawa ng kaparehong misyon.

 

 

Nakumpleto ang panibagong resupply mission noong Agosto 22.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi ni international studies professor Renato de Castro  na maituturing na “this will still be a long game.”

 

 

“It’s simply a matter of time when the Chinese would later escalate the game,”  aniya pa rin sabay sabing malinaw ang layunin ng China na kontrolin ang mahigit sa 85%  ng South China Sea.

 

 

Aniya, wala siyang ideya kung paano paiigtingin ng China ang pagkilos nito subalit ang kamakailan lamang na  pagde-deploy ng mga barko ng CCG na may ‘gun turrets’ ay maaaring gamiting panakot sa  Philippine vessels.

 

 

“The CCG previously fired a water cannon on PCG vessels during an Aug. 5 resupply mission to Ayungin in the West Philippine Sea — a part of the South China Sea that the Philippines claims. The action, together with CCG’s dangerous maneuvers, put the safety of Filipino personnel aboard at risk, ” ayon kay de Castro.

 

 

Tinuran pa ni De Castro na sinusubok din ng Tsina kung paano magre-react ang Estados Unidos sa situwasyon,  “playing a game of chicken” laban sa  long-time allies Manila at Washington.

 

 

Isang US Navy plane kasi ang namataan noong Sept. 8 resupply mission. Sinabi ni PCG spokesperson for the West Philippine Sea Jay Tarriela  na  walang anumang koordinasyon ang coast guard sa Washington ukol sa bagay na ito.

 

 

“Whether there was coordination or not, De Castro said this was the US’ way of testing and showing to China that “we don’t recognize your expansive claim in the South China Sea.” Washington may even consider sending a destroyer ship and say “it just happened to be there,” aniya pa rin.

 

 

Samantala, noong nakaraang buwan ay ipinalabas ng China ang  updated standard map nito na nagpapakita ng 10 dashes  na may pormang  U shape,  malinaw na makikita na malapit ng maangkin ng China ang buong South China Sea bilang bahagi ng kanilang teritoryo.

 

 

Ang nasabing lugar ay nag-overlap naman sa exclusive economic zones (EEZ) ng Pilipinas at maging ng bansang  Malaysia, Brunei, Vietnam, at Indonesia.

 

 

Sinabi ni De Castro na ipinapakita lamang nito na ang  “East Asian superpower’s ambition and determination to push through with its sweeping maritime claim, so more expansive and aggressive actions” ay dapat ng asahan.  (Daris Jose)

Other News
  • Ads August 4, 2023

  • Naghatid si Kianna Dy sa ikatlong sunod na panalo ng F2 Logistics

    Walang iniwang hamon na hindi sinagot si Kianna Dy nang ibigay ng F2 Logistics ang Creamline sa unang pagkatalo nito sa Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference noong Martes, Nob. 8, sa Smart Araneta Coliseum.   Ang 5-foot-10 Dy ay naghatid ng 18 puntos na binuo sa 10 pag-atake, anim na block at dalawang ace […]

  • Hundreds of Bulakenyos get jobs, livelihood packages on Labor Day Job Fair

    CITY OF MALOLOS – In celebration of Labor Day, 79 Bulakenyo jobseekers were hired on the spot and 31 individuals received livelihood packages during the 2023 Labor Day Job Fair for Local and Overseas Employment spearheaded by the Provincial Youth, Sports and Public Employment Service Office in partnership with the Department of Labor and Employment […]