China, umaasa na papalag ang Pinas kapag inaabuso na, kinakaladkad sa isyu ng ‘trouble waters’
- Published on February 4, 2023
- by @peoplesbalita
UMAASA ang China na papalag at tututol na ang Pilipinas kapag inaabuso na o may nagsasamantala at kinakaladkad sa isyu ng “trouble waters.”
Ang pahayag na ito ng Chinese embassy sa Maynila ay matapos na sabihin ni US Defense Secretary Lloyd Austin sa Camp Aguinaldo na muling pinagtibay ng Pilipinas at Estados Unidos ang kanilang commitment sa 1951 Mutual Defense Treaty.
Sa joint press conference kasama si Defense Secretary Carlito Galvez Jr., sinabi ni Austin na ang hakbang na ito ay mahalaga habang ang “China continues to advance their illegitimate claims in the West Philippines Sea.”
Ang buwelta naman ng tagapagsalita ng Chinese embassy na tila dinudungisan ni Austin ang China sa usapin ng South China Sea “to advance the anti-China political agenda of the US.”
“Such moves contradict the common aspiration of regional countries to seek peace, cooperation and development, and run counter to the common aspiration of the Filipino people to pursue sound economic recovery and a better life in cooperation with China,” ayon sa embahada.
“It is hoped that the Philippine side stays v
Sinabi ng embahada, para sa China ang “defense and security cooperation” sa pagitan ng mga bansa ay dapat na nakatutulong at kaaya-aya sa “regional peace at stability.”
Anito, ang defense cooperation ay dapat na “not target against any third party, even less to harm the interests of a third party.”
“The United States, out of its self interests and zero-sum game mentality, continues to step up military posture in this region. Its actions escalate regional tension and undermine regional peace and stability,” ang wika ng embahada.
Inanunsyo naman ng Department of National Defense ang paghirang sa apat na bagong lokasyon para sa Enhanced Defense Cooperation Agreement sa Estados Unidos sa naging pagbisita ni Austin.
Si Austin ay dumating sa Pilipinas noong Martes ng gabi.
Nag-courtesy call siya kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasama ang iba pang opisyal, araw ng Huwebes. (Daris Jose)
-
First time ng aktor na mag-host ng magazine show: AGA, ‘di nagdalawang-isip na tanggapin ang offer dahil gustong magpasaya
EXCITED si Aga Muhlach sa oportunidad na ibinigay sa kanya ng NET 25 para mag-host ng magazine show titled Bida Ka Kay Aga. First time ng aktor to host a magazine show at ayon kay Aga, part of the challenge ay ang pasayahin ang kanyang mga producers sa magiging outcome ng programa. […]
-
Marburg virus, mas nakahahawang BA.2.75 subvariant, nagbabanta rin sa Pinas
NAGBABALA si infectious health expert Dr. Rontgene Solante sa banta ng bagong Marbug virus at mas nakahahawang Omicron BA.2.75 subvariant na posibleng makapasok sa Pilipinas. Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Solante na kailangang maghanda na agad ang pamahalaan ng Pilipinas sa pag-contain sa Marburg virus katulad ng ginawang paghahanda kontra Ebola virus […]
-
Malabon LGU, kinilala ng DILG sa paghahatid ng mga serbisyo
TUMANGGAP ng maraming parangal ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon, sa pamumuno ni Mayor Jeannie Sandoval mula sa Department of Interior and Local Government-National Capital Region (DILG-NCR) para sa epektibo at mahusay nitong paghahatid ng mga programa para sa kapakanan, kaligtasan, at pagpapabuti ng buhay ng mga Malabueño. “Isang karangalan para sa pamahalaang lungsod ang […]