• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

China umalma sa paglayag ng warship ng US sa WPS

HINDI na naitaboy ng China ang barkong pandigma ng US na pumasok umano sa karagatang nasasakupan nila.

 

 

Ayon Southern Theatre Command ng People’s Liberation Army na iligal umanong naglayag ang USS Benfold sa Chinese territorial waters ng walang paalam.

 

 

Binalaan nila ang US na agad na itigil ang anumang hakbang na magdudulot ng kaguluhan dahil hindi aniya nila ito palalampasin.

 

 

Paliwanag naman ng US Navy na naglayag lamang sila sa Paracel Island ng West Philippine Sea.

 

 

Tinawag ni US 7th Fleet spokesman Mark Langford ang pahayag ng China na pawang kasinungalingan.

 

 

Nagsasagawa aniya ng USS Benfold ng freedom of navigation operations na naaayon sa international law.

 

 

Ito na ang pangalawang beses na naglayag ang USS Benfold sa mga isla na inaangkin ng China dahil noong nakaraang Martes ay naglayag sila sa Spratly Island.

 

 

Magugunitang naglagay na ng mga military outpost sa ilang mga isla ng West Philippine Sea.

Other News
  • Malakayang, nilinaw na mga OFW lang ang hindi magbabayad ng hotel quarantine sa kanilang pagdating sa bansa

    BINIGYANG-linaw ng Malakanyag na ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) lamang ang mabibigyan ng libreng hotel quarantine sa harap ng bagong testing at quarantine protocol na ipinatutupad sa mga umuuwing Pinoy sa bansa.   Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, bagamat ikakarga sa PHILHEALTH ang bayarin sa swab test ng mga magbabalik bayang OFWs ay […]

  • Pahayag ni Pope Francis sa same-sex union, taken out of context

    WALANG binabagong batas ng simbahan si Pope Francis sa usapin ng same sex marriage.   Ito ang pahayag nina Veritas Pilipinas anchor priests Fr. Emmanuel Alfonso SJ, Executive director ng Jesuits Communication at Msgr. Pepe Quitorio kaugnay sa mga ulat na pinapayagan ng Santo Papa ang pag-iisang dibdib ng parehong kasarian.   Ipinaliwanag ni Msgr. […]

  • Alert Level 1 hanggang matapos termino ni Duterte

    Mananatili ang Pilipinas sa Alert Level 1 hanggang matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hun­yo 30, 2022, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.   Sinabi ni Duque na wala pang polisiya tungkol sa posibleng magpapatupad ng Alert Level 0 at pinag-aaralan pa rin ito sa ngayon.     Idinagdag ni Duque na […]