• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

China visit ni PBBM lilikha ng libu-libong trabaho – Palasyo

MAGBIBIGAY ng libo-libong trabaho para sa mga Filipino ang resulta ng naging state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang state visit sa Beijing, China kamakailan.

 

 

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), naging matagumpay ang tatlong araw na biyahe ni Marcos sa China at mismong ang Pangulo na rin ang nagsabi na magbubukas ng maraming trabaho para sa mga Filipino.

 

 

Ito umano ang bunga ng state visit ng Pangulo sa naturang bansa.

 

 

“It’s certainly going to produce many, many jobs, when the investments come into play, when they start their operations,” sinabi pa ni Marcos.

 

 

Tinukoy ng Pangulo ang ilan sa mga investment na ito na nagtayo na ng kanilang mga tanggapan sa Pilipinas at nagpoproseso na ng kanilang business permits para masimulan na ang pamumuhunan.

 

 

Nasa $22.8 billion investment pledges ang naiuwi ng Pangulo sa bansa matapos makipagpulong sa Chinese business leaders sa tatlong araw na state visit nito sa China.

 

 

Idinagdag pa ni Marcos na nagsisimula na ng training at capacity building ang ilan sa mga ito para sa pagsisimula ng kanilang negosyo dito sa Pilipinas at ilan sa mga bagong bubuksan ay ang industriya ng pagproseso ng minerals, battery production gayundin ang electric vehicle production. (Daris Jose)

Other News
  • 11 sabungero timbog sa tupada sa Navotas, Valenzuela

    UMABOT sa labing-isang indibidwal ang nadakma ng mga awtoridad isinagawang anti-illegal gambling operation sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela at Navotas Cities.     Ayon kay PMSg Julius Mabasa, nakatanggap ng impormasyon mula sa concerned citizen ang District Special Operation Unit ng Nothern Police District (DSUO-NPD) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLt. Col. Jay Dimaandal […]

  • Eumir Marcial todo paghahanda sa Olympics

    Sumasabak sa matinding paghahanda at sakripisyo ngayon ni 2021 Tokyo Olympic-bound Eumir Felix Marcial sa tulong ni legendary Hall of Fame coach Freddie Roach sa Wild Card Gym sa Los Angeles, California sa U.S. upang masungkit ang mailap na gold medal ng Pilipinas sa Olimpiyada at matupad ang kanyang pangarap na maging sikat ng pro-boxer. […]

  • PNP: Online scammers kakalat ngayong Kapaskuhan

    PINAG-IINGAT ng Philippine National Police (PNP) ang publiko sa mga online transactions na posibleng samantalahin ng mga scammer habang papalapit ang Pasko.       Ayon kay PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil, inaasahan na ang paggamit ng online transactions ngayong holiday season kaya nakatutok ang PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) upang naiwasan at mapigilan ito. […]