• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Chinee creeping invasion, nagsimula na

NAGPAHAYAG nang pagkaalarma si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers sa patuloy na ulat sa hindi maipaliwanag na presensiya ng mga Chinese workers, businessmen, tourists, at estudyante sa bansa.

 

 

Sa ginanap na pagdinig ng ilang komite sa kamara,nanawagan si Barbers at ilang mambabatas sa PNP, PDEA, NBI, Immigration, DFA, PSA, LTO, Philippine Coast Guard at iba pang ahensiya ng gobyerno kaugnay sa nadiskubreng mga isyu kung saan ilang Chinese nationals ang nakakakuha ng Filipino birth certificates, driver’s licenses, UMID cards, passports at maging accreditations at membership sa armed services lalo na sa Philippine Coast Guard.

 

 

“The only sure thing right now is that corruption at its worst has eaten us up. This is the only logical explanation. If these Chinese nationals can get all these accreditations and buy our agricultural and private lands, acquire and lease properties and other assets, enroll in our universities on the pretext and cover of exchange student programs, work here without permits, obtain loans from our banks then abscond or leave the country without a trace, then we are drafting our epitaph as a nation.  We only have ourselves to blame. The greed for money and power is killing this country. Unless we move now, we will see ourselves controlled by invaders tomorrow”, babala ni Barbers.

 

 

Tanong ng mambabatas kung papaano nakakuha ang dayuhan, hindi lang indibidwal kundi grupo ng mga dokumento na para lamang sa mga Pilipino.

 

 

Nanawagan naman ito kay Pangulong Bongbong Marcos na pigilan ang nakakatakot na sitwasyon sa pamamagitan ng pagsibak sa ilang incompetent at korup na opisyal at empleyado o suspind ihan agad habang nagsasagawa ng imbestigayon ang Executive Department at kongreso.

 

 

“There is no time to spare. This state sponsored “creeping invasion” has been happening for years, not just yesterday. I thought that we only gave away a shoal, I didn’t know that the entire country may also be a subject of an agreement. The Chinese probably misunderstood it when it was verbally made. They probably thought “shore” not shoal”, pagtatapos ni Barbers. (Vina de Guzman)

Other News
  • 400 accounts sa social media, tinanggal

    INALIS ng social media giant na Meta Platforms Inc. ang mahigit 400 accounts, pages at groups sa layong matigil ang mga hate speech, misinformation at bullying sa gitna na rin ng nalalapit na halalan.     Nabatid na dumami ang mga online hate speech matapos iba­ling ng mga kandidato at kanilang mga tagasuporta sa social […]

  • 2 TULAK TIMBOG SA P1-MILYON SHABU SA NAVOTAS

    NASAMSAM sa dalawang hinihinalang tulak ng illegal na droga ang mahigit P1 milyon halaga ng shabu matapos matimbog sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek na sina Lean Balauro, 32, (Pusher/listed), at Dave Abila, 25, […]

  • Sa ika-anim na edisyon ng ‘The EDDYS’… AGA, RICHARD, at GABBY, kasama sa walong movie icons na pararangalan

    WALONG tinitingala at itinuturing nang haligi ng entertainment industry ang gagawaran ng espesyal na pagkilala sa gaganaping 6th Entertainment Editors’ Choice o The EDDYS ngayong 2023.   Bibigyang-pugay ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa ika-anim na edisyon ng The EDDYS ang hindi matatawarang kontribusyon ng mga napiling Icon awardees sa industriya ng pelikulang […]