Chinese coach gagawing consultant ni Diaz
- Published on August 12, 2021
- by @peoplesbalita
Kung hindi makukumbinsi ni Olympic Games gold medalist Hidilyn Diaz si Gao Kaiwen na bumalik bilang head coach ay kukunin na lamang niya ang Chinese bilang consultant.
Sinabi ni Diaz kahapon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum webcast na planado na ang lahat sakaling piliin ng 64-anyos na si Gao ang kanyang pamilya sa China.
Kung mangyayari ito ay si strength and conditioning coach Julius Naranjo, ang boyfriend ni Diaz, ang papalit kay Gao bilang head coach.
“Nag-usap na kami ng Team HD,” ani Diaz. “Si Coach Gao baka gagawin naming consultant tapos si coach Julius ang head coach tapos hahanap kami ng assistant coach na tutulong sa amin pagdating sa laro,”
Si Gao ang tumulong sa 30-anyos na tubong Zamboanga City para makamit ang kauna-unahang Olympic gold ng Pinas nang magwagi sa women’s 55-kilograms division ng Tokyo Games weightlifting competition.
Iginiya ni Gao si Diaz sa gold medal finish noong 2018 Asian Games sa Jakarta, Indonesia at noong 2019 Philippine Southeast Asian Games.
Sa pagbabalik sa bansa ng Team HD noong Hulyo 28 ay sinabi ni Gao kina Diaz at Naranjo na gusto na niyang umuwi sa kanyang pamilya sa China.
“Naiintindihan ko siya kasi matagal-tagal na siyang hindi nakakauwi sa kanila,” wika ni Diaz.
Magtatapos ang kontrata ni Gao sa Philippine Sports Commission (PSC) sa Disyembre, ngunit hiniling na niyang tapusin ito ngayong buwan at hindi na sisingilin ang monthly salary na $2,500.
-
IATF maghihigpit sa PBA
Maghihigpit ang Inter-Agency Task Force (IATF) sa pagpapatupad ng health protocols sa pagbabalik-aksyon ng PBA Season 46 Philippine Cup sa Bacolor, Pampanga. Sa patakaran ng IATF at Department of Health, sa oras na umabot sa anim na teams ang nagkaroon ng positibo or kumpirmadong kaso ng coronavirus disease (COVID-19), agad na ipatitigil ang […]
-
Pilipinas, humingi ng donasyong warship sa US para i deploy sa West Philippine Sea
HINILING ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez sa United States na mag-donate ng warship sa Philippine Sea, na nakatakdang i-deactivate sa 2025. Ang apela ay ginawa ng mambabatas sa pamamagitan ng ipinadalang liham kina State Secretary Anthony Blinken, Defense Secretary Lloyd James Austin III at US Ambassador to Manila MaryKay Carlson. […]
-
Ads November 26, 2024