• November 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Chinese Coast Guard armado ng itak, sibat, kutsilyo – AFP

ARMADO ng itak, sibat, kutsilyo at iba pang mga patalim ang Chinese Coast Guard (CCG) na umatake sa Philippine Navy personnel habang nagsasagawa ng Rotation and Resupply (RoRE) mission sa Ayungin Shoal.

 

 

 

“They fight with their bare hands, despite the absence of weapons to defend themselves lumaban sila (Filipino troops). ‘Yung mga Chinese may mga dala silang bolo, sibat, knives, machete and other bladed weapons,” pagkumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief Gen. Romeo Brawner Jr. sa nangyaring harassment noong Hunyo 17 sa nabanggit na teritoryo.

 

 

 

“With their bare hands, tinutulak nila ang RHIB ng (rigid hull inflatable boats of) Chinese Coast Guard. They were preventing Chinese Coast Guard from hitting them,” ani Brawner.

 

 

Sinabi ni Brawner na hindi basta na lamang hinayaan ng Phl Navy troops ang kanilang mga kagamitan pero may limitasyon din ang mga ito kung saan higit na marami ang kalaban na binangga pa ang kanilang rubber boats.

 

 

 

Nilinaw naman ng AFP chief na ang hangarin ng mga sundalo ay mag-supply lamang ng pagkain at iba pang pangangailangan para sa tropa ng mga sundalo na naka­istasyon sa BRP Sierra Madre at ayaw ng AFP ng giyera.

 

 

Sinabi naman ni AFP-Westcom Chief Rear Admiral Alfonso Torres, sumampa sa Phl vessel ang mga Chinese, kinumpiska ang pitong mahahabang armas na nakatago ng mga sundalo at maging ang kanilang mga personal na cellphone.

 

 

 

‘Di pa nakuntento ay kinuha rin ang dalawang rubber boats na hinila ng mga ito at winasak ang communication equipment, outboard motor saka binutas ang mga rubber boats.

 

 

 

Inihalintulad din ni Brawner sa mga pirata ang Chinese Coast Guard sa illegal na pagkuha at pagwasak sa kagamitan ng mga sundalong Pinoy.

 

 

 

Ang mga nawasak na rubber boats ay nagawa namang marekober sa pagsaklolo ng mga barko ng Philippine Coast Guard. (Daris Jose)

Other News
  • NBI, kumbinsidong walang nangyaring hacking sa datos ng Comelec para sa 2022 polls

    NAGSASAGAWA ng site inspection ang ilang mga opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang warehouse ng Commission on Elections (Comelec) sa Sta. Rosa, Laguna.     Ito ay matapos na makatanggap sila ng mga ulat na may nangyari umanong hacking sa data ng Comelec para sa papalapit na May 2022 elections.     […]

  • Susunod na admin, dapat mag-invest sa digital infrastructure

    NANAWAGAN si dating Speaker Alan Peter Cayetano sa susunod na bagong administrasyon na mag-invest sa digital infrastructure upang mas maging episyente ang automated voting system sa bansa at mabawasan ang pagkasira ng mga makina.     “Gamechanger talaga ang automated elections pero dapat we have the digital infrastructure needed to make it work,” ani Cayetano. […]

  • Ex- La Salle player Maoi Roca pumanaw na, 47

    PUMANAW na si Maoi Roca ang dating manlalaro ng La Salle Green Archer dahil sa diabetic complication sa edad 47.     Naging manlalaro ng La Salle si Roca mula 1994 hanggang 1998 na naging bahagi noong magkampeon ang koponan sa UAAP Season 61 ng mens basketball laban sa Far Eastern University.     Pinasok […]