Chinese envoy dumalo sa Vin D’Honneur sa Malakanyang
- Published on June 14, 2024
- by @peoplesbalita
DUMALO sa tradisyunal na Vin D’Honneur si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xi Lian ngayong araw sa Palasyo ng Malakanyang.
Sa tuwing ipinagdiriwang ng bansa ang araw ng kalayaan, isinasagawa ang pagtitipon kung saan dumadalo dito ang mga opisyal ng pamahalaan at maging ang diplomatic corps community.
Makikitang nagkaroon ng maikling pag-uusap sina Ambassador Huang Xi Lian at Pang. Ferdinand Marcos Jr., ng magka daupang palad ang mga ito.
Sa kabila ng tensiyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea kasunod ng mga ginagawang pambu bully ng China Coast Guard sa mga barko ng Pilipinas, nagpakita pa rin ang Chinese envoy sa Malakanyang.
Una ng binigyang-diin ng Pangulong Marcos na kahit isang pulgada sa teritoryo ng bansa ay hindi nito isusuko.
Ngayong araw ng Kalayaan, pinuri naman ng Pangulo ang Armed Forces of the Philippines sa katatagan nilang protektahan ang teritoryo at soberenya ng bansa.
Sa nasabing aktibidad, nakitang nagka-usap din sina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Ambassador Huang Xi LIan. (Daris Jose)
-
Ateneo paghahandaan ang NU
WALANG makatibag sa defending champion Ateneo na solo na ang liderato sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament. Maging ang mortal nilang karibal na La Salle ay walang naisagot sa malakas na puwersa ng Blue Eagles sa kanilang paghaharap noong Sabado sa Mall of Asia Arena. Inilampaso ng Ateneo ang La […]
-
Ads January 21, 2021
-
VHONG NAVARRO LIPAT NA SA BJMP-TAGUIG
NAKATAKDANG ilipat sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang aktor na si Vhong Navarro Ito ay matapos na nakatanggap ng National Bureau of Investigation, Security Management Section (NBI-SMS) ng order mula sa Regional Trial Court Branch 69. Nakasaad sa nasabing order na lilipat na ng kulungan ang aktor mula […]