Chinese itinumba ng kapwa Chinese sa loob ng resto
- Published on October 21, 2024
- by @peoplesbalita
PATAY ang isang 29-anyos na Chinese national nang barilin ng pinaniniwalaang high profile gunman na Chinese looking din, sa Makati City noong Huwebes, sa isang hotpot restaurant sa Makati City.
Dead on arrival sa Makati Medical Center ang biktimang si alyas “Liu”.
Sa ulat Palanan Sub-station, dakong alas- 2:20 ng madaling araw Oktubre 17 nang maganap ang pamamaril sa biktimang gunman na may kasamang lalaking bodyguard sa loob ng VIP Room ng Kungfu Chili Group Incorporated, sa Buendia Avenue, Barangay San Antonio, Makati City.
Sa kuha ng CCTV, makikita na natumba pa sa kalasingan ang biktima habang nag-uusap-usap sila ng suspek sa VIP room, habang nakikinig lamang ang babaeng kasama ng biktima, at isang bodyguard ng suspek.
Maya-maya ay iniabot ng bodyguard sa suspek ang isang baril, nagpaputok sa ere at nasundan na ng pagbaril mismo sa biktima ng apat na beses na tinamaan sa dibdib, sa kaliwang palad, at braso.
Kaswal na umalis lang ang suspek at bodyguard, na bago tuluyang lumabas ay sinampal-sampal pa ng mahina ang manager ng restaurant.
Makikita sa hiwalay na CCTV footage na isinara na ng guwardiya ang gate ng establisimyento subalit binunggo lamang ito ng sasakyang itim ng suspek.
Patuloy pa ang manhunt operation laban sa gunman at kasama nito.
Nakipag-ugnayan na rin sa Land Transportation Office ang pulisya subalit malabo pang matukoy ang pagkilanlan ng suspek dahil makailang beses nang nailipat ang rehistro sa magkakaibang pangalan. Hindi rin umano kilala ang suspek ng Chinese community kaya nakikipag-ugnayan pa ang Makati Police ang sa China Embassy. (Richard Mesa)
-
19th Congress pormal na magbubukas ngayong Hulyo 25
PORMAL na magbubukas ang 19th Congress sa Lunes, Hulyo 25, 2022 kung saan ang Senado ay pinangungunahan ni acting Senate President Juan Miguel “Migz” F. Zubiri. Alas-10 ng umaga inaasahang magsisimula ang First Regular Session at magkakaroon ng halalan ng mga opisyal sa Senate Plenary Hall. Kabilang sa mga ihahalal ang […]
-
PBBM, tiniyak sa publiko ang tuloy-tuloy na suplay ng basic goods sa ‘KADIWA’ OUTLETS
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa publiko ang tuloy-tuloy na suplay ng mga produkto na itinitinda sa “Kadiwa ng Pangulo” outlets. Nangako kasi ang Pangulo na gagayahin niya ang inisyatiba sa iba’t ibang bahagi ng bansa para tulungan ang mga Filipino consumers na mabigyan ang mga ito ng mga “affordable products.” […]
-
Ads October 12, 2023