‘Chinese mafia’ nasa likod ng rice smuggling – BOC
- Published on September 26, 2023
- by @peoplesbalita
TINUTUTUKAN na umano ng Bureau of Customs (BOC) ang impormasyon na isang “Chinese mafia” ang nasa likod ng smuggling sa bigas sa bansa, dahilan nang patuloy na pagmahal nito sa merkado.
“Yung mga reports na nare-receive po ng office natin, binabanggit nga po mga Chinese,” ayon kay BOC Director Vernie Enciso.
“Either nasa side ng financing, nasa side ng distribution or nasa side ng, there are other, maraming levels kung nasaan sila present dito sa agricultural smuggling. ‘Yan po ang isa sa mga tinitingnan ng Bureau of Customs,” dagdag ng opisyal.
Nagsagawa na ang BOC ng mga pagsalakay sa mga bodega mula Agosto at nakakumpiska ng nasa 236,571 smuggled na bigas sa apat na bodega sa Bulacan, 36,000 sako ng bigas sa Tondo, Maynila at 20,000 sako ng bigas sa Bacoor, Cavite.
Nagprisinta naman ang mga may-ari ng importasyon ng mga dokumento ngunit hindi tumutugma sa aktuwal na importasyon.
Sa kabila nito, sinabi ni Atty. Marlon Agaceta, chief of staff ng BOC, na mahirap at mahaba ang proseso para matukoy ang source ng smuggled na bigas. Karaniwan na nagtatago umano ang mga smuggler sa mga dummies at may mga ginagamit na mga alyas.
Magiging mahaba rin umano ang proseso ng pagsasampa ng kaso dahil sa mas mahigpit ngayon ang Department of Justice. Kailangan na resonable at may mataas na tsana ng conviction ang mga kasong inihahain para nila tanggapin, kaya mas magiging mabusisi umano ang mga abogado ng BOC sa pagkalap ng mga ebidensya para hindi masayang ang isasampang kaso.
Ngayong 2023, nakapagsampa ang BOC ng 53 kaso laban sa 416 importers at nakumpiska ang tinatayang P612 halaga ng mga produkto. (Daris Jose)
-
Ads January 14, 2023
-
Ads February 18, 2023
-
Basurang iniwan ng bagyong Enteng sa Malabon, nalinis na
NAALIS na ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ng Malabon ang mga basurang naiwan sa mga kalsada pagkatapos ng Bagyong Enteng. Ang cleanup operation ay bilang tugon sa kamakailang mga alalahanin ng publiko at mga reklamo sa social media tungkol sa mga tumpok ng basura sa iba’t ibang bahagi ng […]