• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CHINESE NATIONAL, BINARIL SA LOOB NG ELEVATOR, PATAY

NAGSASAGAWA ngayon ng manhunt operation ang Manila Police District (MPD) sa suspek na bumaril at pumatay sa isang 50-anyos na negosyanteng Chinese national sa loob ng elevator ng isang gusali sa Binondo, Manila kamakalawa ng hapon

 

 

Namatay noon din  ang biktima na si Wen Dun Chen, 50,  negosyante at nakatira sa Mandarin Square, 777 Ongpin St., Binondo, Maynila

 

 

Sa ulat ng MPD, dakong ala- 1:45 ng hapon ng naganap ang pamamaril sa Sunjoy building 525 Lvazares St., Binondo, Maynila.

 

 

Ayon naman sa testigong si Freddie Boy Yacob, elevator operator, inilarawan ang suspek na  nakasuot ng itim na t-shirt, maong pants at may taas na 5’6 hanggang  5’7 , katamtaman ang pangangatawan..

 

 

Sa inisyal na imbestigasyon ng MPD, sinabi ni Yacob na nasa ikalawang palapag na sila ng gusali ng biktima nang paputokan ang suspek sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan na nagresulta ng kanyang agarang kamatayan.

 

 

Matapos ang pamamaril, mabilis aniyang tumakas ang suspek

 

 

Patuloy ang isinasagawang  imbestigasyon ng MPD homicide section sa insidente. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Pilipinas target na maidepensa ng titulo sa SEA Games

    PINANGUNAHAN ni Olympic pole-vaulter EJ Obiena na nagsilbing flag-bearer sa pormal na pagsisimula ng 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.     Kasama nito na pumarada si Philippine Olympic Committee president Bambol Tolentino at 30 miyembro ng Philippine contingent.     Mayroong kabuuang 495 na atleta ng bansa ang sasabak sa 39 sports event. […]

  • Pinay undefeated fighter Denice Zamboanga sasabak sa Bangkok

    Nakatakdang makaharap ni undefeated Filipina fighter Denice Zamboanga si Wtasapinya “Dream Girl” Kaewkhong.   Gaganapin ang laban ng dalawa sa darating na Agosto 28 sa Bangkok, Thailand. Sinabi ng 23-anyos na si Zamboanga, masaya na ito dahil sa muling paglaban niya.   Huling lumaban ito ay noong Pebrero ng talunin niya si Mei Yamaguchi.   […]

  • Uniform travel protocols para sa lahat ng LGUs, inaprubahan ng IATF

    INAPRUBAHAN kahapon ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang Uniform travel protocols para sa lahat ng Local Government Units (LGUs).   Ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ang siyang gumawa ng uniform travel protocols “for land, air and sea” sa pakikipag-ugnayan sa Union of Local Authorities of the Philippines, League of Provinces of […]