• April 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Chinese national, ka-live-in timbog sa higit P15 milyon shabu sa Navotas drug bust

UMABOT sa mahigit P15 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa isang Chinese national at live-in partner nito matapos malambat ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Navotas City, Lunes ng umaga.

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang naarestong mga suspek na sina alyas “William”, 40, Chinese national at kanyang live-in partner na si alyas “Rose”, 28, kapwa residente ng Brgy.

 

Manganvaka, Subic Zambales.

 

 

Ayon kay Col. Cortes, bago ang pagkakaaresto sa mga suspek ay nakatanggap na ng impormasyon ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) mula sa Regular Confidential Informant (RCI) hinggil sa umano’y pagbebenta ng illegal na droga ng mag-live-in partner kaya isinailim nila ang mga ito sa validation.

 

Nang positibo ang ulat, ikinasa ni SDEU chief P/Capt. Luis Rufo Jr at P/Capt. Gregorio Cueto ang buy bust operation, katuwang ang CID-IG sa pangunguna ni P/Capt. Felcerfi Simon kontra sa mga suspek na pumayag umanong sa Navotas gaganapin ang kanilang transaksyon.

 

Nang tanggapin umano ni alyas William ang marked money mula sa pulis na nagsilbi bilang poseur-buyer kapalit ng isang zip-lock plastic bag ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba, kasama ang kanyang live-in partner dakong alas-6:16 ng umaga sa Road 10, Brgy. NBBN.

 

 

Ani Capt. Rufo, nakumpiska sa mga suspek ang 2,226.6 grams ng hinihinalang shabu na may corresponding standard drug price na P15,140,880.00, buy bust money na tatlong dusted genuine P1,000 bill at 117 pirasong P1,000 boodle money, cellphone, digital weighing scale at gamit nilang sasakyan na isang itima na Honda Jazz.

 

Pinuri naman ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco si Col. Cortes at ang SDEU team sa pangunguna ni Capt. Rufo sa kanilang matagumpay na operation kontra illegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na kapwa mahaarap sa kasong RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Pamamahagi ng ayuda sa Navoteño PWDs

    KINAMUSTA ni Mayor John Rey Tiangco ang pamamahagi ng pamahalaang lungsod ng tulong pinansyal sa Navoteño Persons with Disability o PWDs sa ilalim ng Ayuda para sa Kapos Ang kita Program o AKAP kung saan nasa 1,382 benepisyaryo ang nakatanggap ng P3,000. Nagpasalamat naman si Mayor Tiangco kay Pangulong Bongbong Marcos at House Speaker Martin […]

  • Philippine sovereign debt, tumaas ng P14.5 trillion

    NAKAPAGTALA ng bagong mataas na record ang  “sovereign debt stock”, “as of end-June” habang lumakas ang pangungutang ng gobyero para tustusan ang  financing requirement nito.     Ito ang makikita sa pinakabagong data mula sa Bureau of the Treasury (BTr).     Pumalo sa P14.15 trillion ang total outstanding debt ng bansa , tumaas ng […]

  • 5 kulong sa higit P138K shabu sa Valenzuela, Malabon

    LIMANG hinihinalang tulak ng iligal na droga, kabilang ang isang lolo ang arestado matapos makuhanan ng higit P.1 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation sa Valenzuela at Malabon Cities.     Ayon kay P/Lt. Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police, dakong ala-una ng madaling araw […]