• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Chinese President Xi Jinping tinago ang coronavirus outbreak

Tila nabulgar sa speech ni Chinese President Xi Jinping na hindi agad pinaalam ng China government na nagkakaroon na pala ng virus outbreak sa kanilang mga citizen, gayundin sa ibang bansa.

 

Sa February 3 speech ni Xi, sinabi nito na maagang umaksyon ang China para mapigilan ang pagkalat ng virus, na kalauna’y binansagang novel coronavirus.

 

Ito’y matapos punahin si Jinping na naging mabagal umano ang kanilang responde sa nasabing virus outbreak.
Ayon kay Xi, noong January 7 pa lang ay kanila nang pinag-utos ang pag-shutdown sa Hubei Province, lugar kung saan nanggaling ang coronavirus.

 

Ngunit January 23 pa na-lockdown ang nasabing lugar, at kasabay na ito ng pagkabalita sa mga taga-China at ibang bansa na mayroon ng coronavirus outbreak sa Hubei.

 

“On Jan. 22, in light of the epidemic’s rapid spread and the challenges of prevention and control, I made a clear request that Hubei province implement comprehensive and stringent controls over the outflow of people,” ayon kay Xi sa meeting ng standing committee ng kanyang party.

 

Sa ngayon ay umabot na sa 69,267 ang kumpirmadong kaso ng nasabing virus, 1,670 na ang nasawi dahil dito at patuloy pa ang pag-angat.

 

Kumalat na rin sa lampas 30 bansa ang virus, kasama na ang tatlong kumpirmadong kaso sa Pilipinas.

 

Isa pa sa isyu sa China ngayon ay pinangako ng kanilang gobyerno na magiging bukas sa impormasyon tungkol sa nCoV, ngunit may ilang mga video report na nawawala ang mga journalist na nagbabalita tungkol sa outbreak, na pinaghihinalaang dinetine. (Daris Jose)

Other News
  • IBP sa IATF: Mga abogado isama rin sa priority groups sa vaccine

    Humihirit din ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) na isama na rin na mauuna sa pagbabakuna ang mga abogado sa sa bansa.     Sa sulat ni Atty Domingo Cayosa kay vaccine czar Carlito Galvez, ipinaliwanag nito kung bakit matatawag din na legal frontliners ang mga abogado.     Aniya, ang mga officers of […]

  • US Air Force, Coast Guard darating, tutulong sa oil spill

    UMAASA  ang gobyerno na makakatulong ang United States (US) Coast Guard at Air Force sa paglilinis sa Mindoro oil spill.     Ayon kay National Defense Senior Undersecretary Carlito Galvez Jr., na ang US Coast Guard at Air Force ay darating sa Pilipinas para tumulong sa ongoing clean up operations sa massive oil spill sa […]

  • Mga panukalang batas, ipinasa ng Kamara

    Inaprubahan ng Kamara ang iba’t ibang panukala sa ikalawang pagbasa bago nagdeklara ng pagsasara ng sesyon para sa pagdiriwang ng Pasko.   Isa na rito ay ang House Bill 8097 na naglalayong gawaran ng karagdagang benepisyo ang mga solo parents.   Ang mga kuwalipikadong solo parents ay maaaring makinabang ng karagdagang 10% diskwento, sa pagbili […]