CHR, iniimbestigahan ang posibleng paglabag ng PNP sa pag-aresto sa red-tagged doctor
- Published on February 21, 2022
- by @peoplesbalita
SINABI ng Commission on Human Rights (CHR) na iniimbestigahan nito ang posibeng paglabag ng Philippine National Police (PNP) sa pag-aresto sa isang doktor na inakusahang miyembro ng Communist Party of the Philippines.
“CHR has dispatched a quick response team in NCR (National Capital Region) and Caraga, and is undertaking a motu proprio investigation on the reports received that indicate possible violations of the Philippine National Police rules of procedure, among other issues,” ang nakasaad sa kalatas ng Komisyon.
Tinukoy ng CHR ang pag-aresto ng pulisya kay Dr. Maria Natividad Castro, araw ng Biyernes sa pamamagitan ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court ng Bayugan City, Agusan del Sur noong Enero 30, 2020 dahil sa umano’y kidnapping at serious illegal detention.
Nababahala naman ngayon ang grupong Free Legal Assistance Group (FLAG) kaugnay sa kinaroroonan ni Castro.
Ayon sa grupo humingi sila ng access para makita sI Dr. Maria Natividad Castro sa Intelligence Group ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame kung saan iniulat na dito ito dinala at ikinulong.
Sinabi ng FLAG na hangang ngayon ang kapatid ng doktor at ang isa pang abogado ay hindi pinayagang makita at makausap si Castro.
Nakikipag-ugnayan naman na ang CHR sa mga local authorities at may close contact sa pamilya Castro para tulungan ang mga ito.
Nabahala rin ang CHR sa paraan ng pag-aresto kay Castro.
Ayon sa CHR, si Castro “had been red tagged for her work as a human rights and development worker.”
“Before the pandemic hit the country in 2020, Castro initiated several health programs in Mindanao. She also brought members of the Lumad community before the United Nations in Geneva to seek help against harassment in their areas. She also once served as secretary general of rights group Karapatan in Caraga region,” ayon sa CHR.
Samantala, nanindigan naman ang grupong Karapatan na si Castro ay isang health worker na tumulong sa pagtatayo ng mga community center at programa sa Mindanao. (Daris Jose)
-
Martinez naagaw ang IBF crown ni Ancajas
NAAGAW kay Jerwin Ancajas ang kanyang IBF junior bantamweight championship title, na mula noong 2016 pa niyang hawak. Ito ay matapos na talunin si Ancajas ni Fernando Martinez ng Argentina sa kanilang umaatikabong bakbakan sa Las Vegas araw ng Linggo. Binigyan ng mga hurado ang laban ng 117-111, 118-110, 118-110 na […]
-
23.9M stude naka-enroll na ngayong school year
Nakapag-enroll na ang nasa 23.9 milyong estudyante ngayong paparating na school year sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic, ayon kay Education Secretary Leonor Briones. Katumbas aniya ito ng 86.8 percent na nag-enroll noong nakaraang taon na mas mataas pa sa target na 80 percent. “People were saying, especially the left and the opposition, […]
-
Hindi pa bakunadong mga guro, pwede na rin magturo sa darating na pasukan – DepEd
PAHIHINTULUTAN na ng Department of Education (DepEd) na muling makapagturo sa darating na pasukan ang mga hindi pa bakunadong mga guro sa bansa. Ayon kay DepEd Usec. Revsee Escobedo sa isang pahayag na papayagan na ng kagawaran na magturo ang lahat ng guro sa bansa bakunado man o hindi. Basta’t pananatilihin […]