• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CHR, suportado ang electronic filing ng civil cases

SUPORTADO ng Commission on Human Rights (CHR) ang inisyatiba ng Korte Suprema sa transisyon ng electronic filing para civil cases sa trial courts.

 

 

“Digitalization streamlines court proceedings and reduces the physical and financial burdens associated with traditional filing methods,” ayon sa komisyon.

 

 

Nauna rito, sinabi ni SC spokesperson Camille Ting na ang trial courts ay aakto lamang sa mga pleadings at iba pang court submissions sa civil cases kung ang paghahain ay may kasamang electronic transmittal ng kaparehong dokumento sa PDF format sa pamamagitan ng email.

 

 

Sinabi pa ni Ting na ang electronic submissions ay dapat na makompleto sa loob ng 24 oras ng pangunahing paraan ng paglilingkod kabilang na ang ‘personal filing, registered mail o accredited courier.’

 

 

“The shift to electronic filing can democratize access to justice by making legal processes more accessible, especially for individuals and communities in remote or underserved areas,” ayon sa CHR.

 

 

Habang ang digitalisasyon ay nag-aalok ng mahalagang kalamangan sa paghahain ng mga kaso, sinabi ng CHR na ang ‘right to access justice’ ay hindi dapat na makompromiso para sa mga nahaharap sa mga hamon sa pag- adapt ng electronic filing.

 

 

“As the judiciary moves towards digital platforms, the protection of personal data and the right to privacy must be paramount,” anito.

 

 

Sa kabilang dako, binigyan naman ng mandato ng Data Privacy Act of 2012 ang lahat ng personal information controllers, kabilang na ang judicial bodies na tiyakin ang ‘security at confidentiality ng personal data collected, stored, at processed.’

 

 

Nakahanay din ito sa Article 17 ng International Covenant on Civil and Political Rights, nagbibigay proteksyon sa mga indibiduwal mula sa arbitrary o unlawful interference sa kanilang privacy.

 

 

Samantala, pinuri naman ng CHR ang Korte Suuprema para sa pagtiyak nito na ang robust cybersecurity measures ay nasa lugar para protektahan ang sensitibong impormasyon mula sa ‘unauthorized access at breaches.’

 

 

“These protections and safeguards must remain adaptive and responsive to emerging cyber threats to maintain public trust in the judiciary’s digital systems,” ang sinabi ng CHR. ( Daris Jose)

Other News
  • Filipinas nabigo sa Thailand 1-0, nasa pangalawang puwesto ng Group A

    NABIGO  ang Philippine national women’s football team na Filipinas sa kamay ng Thailand 1-0 sa 2022 AFF Women’s Championship.     Dahil dito ay nasa pangalawang puwesto na lamang ang Filipinas sa Group A at nasang unang puwesto ang Thailand sa laro na ginanap sa Rizal Memorial Stadium sa Manila.     Tiyak na rin […]

  • Third-party POGO auditor, nakasunod sa lahat ng bidding requirements – PAGCOR

    WALA raw nakikita ang Philippine Amusement and Gaming Corporation chairman at Chief Executive Officer Alejandro Tengco na iregularidad sa kontrata ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Global ComRCI sa ating bansa.     Sinabi ng third-party auditor na nakakuha sa multi-billion peso contract para sa assessment ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na […]

  • HEART, negative sa COVID-19 pero dumaraan naman sa matinding anxiety na epekto ng quarantine

    NASA bansa na si Heart Evangelista at bilang pagsunod sa protocol, kailangan nitong mag-quarantine ng sampung araw.      Wala raw siyang COVID-19 pero, dumadaan daw si Heart sa matinding anxiety dahil hindi raw talaga niya kinakaya ‘yung nakakulong lang siya sa isang lugar at mag-isa ng matagal. Isa rin daw ito sa dahilan kung bakit […]