• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CHRISTIAN, hiyang-hiya na napaniwala at napa-order sa viral na ‘Pop Star Meal’; umaapela na baka puwedeng totohanin

NAKAKAALIW ang naging experience ni Christian Bables nang patulan niya ang viral na Fan-made Jollibee ‘Pop Star Meal’.

 

 

Sa kanyang twitter post,Nag drive thru ako for the pop star meal, shet hindi pala to totoo. Napapala ng hindi nagbabasa.

 

 

Hi ate sa Jollibee drive thru, sa lutong ng tawa mo kanina nung ineexplain ko yung meal na merong coke sarah, busog na ako. Happy to have made your night.”

 

 

Sagot pa ni Christian sa nag-react sa kanyang post, Hahaha yung pagkaka explain ko pa eh: “ate yung nuggets na star, na may coke sarah”. Sa lutong ng tawa ni ate, parang 10 years na kami magkaibigan.”

 

 

Dagdag pa ng aktor, Nag init yung tenga ko sa hiya, hahaha yung parang nagmaka awa pa akong pag bilhan nila ako ng star na nuggets tsaka ng coke sarah.    “Na realize kong muka na akong timang nung nagkulay violet na si ate kakatawa. Mukang mapapanaginipan ko siya ng mga two weeks.

 

 

Dahil nga sa sobrang patok na patok ang BTS Meal ng McDo, gumawa nga ang concept art ang Filipino graphic artist na si Rvinxtian ng Jollibee meals inspired by local female singers, ang ‘Pop Star Meal’ ni Sarah Geronimo at ‘Songbird Meal’ ng OPM icon na si Regine Velasquez.     Nag-viral din ang post ni Gonzaga Bascuña Des ng old internet photo ng ‘Bucket Papa’ ng Sexbomb Girls na may collectible tumblers na inspired sa afternoon show na Daisy Siete.

 

 

Tweet uli ni Christian, Maniniwala nalang ako ulit sa mga meal meal na yan pag lumabas na ang BUCKET PAPA ng Sexbomb meal.”

 

 

Apela pa ng aktor, kalat na kalat na yung katimangan ko kagabi. Baka naman maisipan niyong totohanin na yung nuggets na star, ikot ikot fries at yung coke sarah, mabawasan man lang tong kahihiyang inabot ko sa halakhak ni ate kagabi. Tagos sa kaluluwa yung tawa niya eh.”

 

 

     Wish talaga ng marami lalo na ng Popsters na patulan ito ng Jollibee, for sure magiging big hit din ito tulad ng BTS Meal.

 

 

***

 

 

WALONG pelikulang Pilipino, kabilang ang limang pamagat na nasa Eddie Garcia Retrospective section, ay tampok sa Far East Film Festival (FEFF) sa Udine, Italy mula Hunyo 24 hanggang Hulyo 2 sa isang hybrid form na parehong may in-person at online showings.

 

 

Isang malaking pagdiriwang ang FEFF sa Europa na may pokus sa Asian Cinema at tumutulong sa commercial distribution ng mga pelikulang Asyano patungong European at Italian markets.

 

 

Noong nakaraang taon, itinampok ang proyekto ni Xeph Suarez, “Dancing the Tides,’’ at ang “Skeleton River” ni Khavn Dela Cruz sa FEFF Industry section.

 

 

Para sa ika-23 na edisyon ngayong taon, tampok sa Competition section ang award-winning film na “Fan Girl” ni Antoinette Jadaone, na magkakaroon ng international festival at online worldwide premiere, habang ang “Anak Ng Macho Dancer” ni multi-awarded director na si Joel Lamangan ay magkakaroon ng Italian at online worldwide premiere.

 

 

Ang “A is for Agustin,” ang pinakaunang feature-length documentary ni Grace Simbulan, ay nasa ilalim ng Out of Competition section at magkakaroon ito ng European at online worldwide premiere.

 

 

Upang bigyang-pugay ang yumaong television at film legend na si Eddie Garcia para sa kaniyang napakahalagang kontribusyon sa industriya, magtatampok ng apat na feature films at isang short film ang special tribute na “Eddie Garcia: Life as a Film Epic” sa ilalim ng Retrospective section.

 

 

Ang restored version ng pinakaunang pelikula ni Ishmael Bernal na “Pagdating sa Dulo” at ang “Bwakaw” ni Jun Robles Lana ay magkakaroon ng Italian premiere, online worldwide, at offline screenings.

 

 

Ang “Rainbow’s Sunset” ni Lamangan, ang tumanggap ng Cannes Palme d’Or para sa Short Film na “Anino” ni Raymond Red, at ang “Sinasamba Kita” ni Eddie Garcia ay magkakaroon ng Italian at online only worldwide premiere.

 

 

Para sa FEFF Industry section ngayong taon, lalahok sa programa ng Focus Asia ang proyekto ni Martika Ramirez na “Bird Eyes.” Magiging parte naman ang journalists na sina Jason Tan Liwanag at Richard Olana sa FEFF Campus training project.

 

 

Mula 2017, sa pamamagitan ng Spotlight Philippines program, mayroon ng 19 na pelikulang Pilipino ang naipalabas sa FEFF, kabilang dito ang “Die Beautiful” ni Lana, “Ang Larawan” ni Loy Arcenas, at ang “Miss Granny” ni Joyce Bernal, bukod sa iba pa,  na nagpapakita ng iba’t-ibang kuwentong Pilipino.

 

 

Naging plataporma na rin ang festival na ito para sa marami pang Filipino filmmakers upang maging exposed sa global platform.

 

 

“We are grateful to the Far East Film Festival in Udine for propagating Asian films in Europe and supporting Philippine Cinema once more by featuring a total of eight films, selecting a project and two journalists, and mounting a heartwarming tribute to our eternal icon Eddie Garcia to further his artistry and legacy,” wika ni FDCP Chairperson at CEO Liza Diño.

 

 

Noong 2018, pinili ng FEFF ang Pilipinas bilang “Country of Focus” sa pagdiriwang ng Sine Sandaan o One Hundred Years ng Philippine Cinema. Sa pamamagitan ng International Film Festival Assistance Program ng FDCP, nagbigay ang pambansang ahensya ng pelikula ng suporta sa limang napiling pelikulang Pilipino para sa kanilang paglahok sa FEFF noong 2019.

 

 

Dalawang Filipino projects naman ang napili para sa FEFF Industry section noong lumipat ito sa online platforms noong 2020.

 

 

Ang ika-23 na FEFF na binuo ng Centro Espressioni Cinematografiche ay magpapalabas ng 63 na pamagat mula sa Pilipinas, South Korea, China, Hong Kong, Japan, Malaysia, Taiwan, Thailand, Indonesia, Macau, at Myanmar.

 

 

Para sa karagdagang impormasyon sa mga pelikula sa FEFF, bumisita sa https://www.mymovies.it/ondemand/23feff/.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • NABAKUNAHAN SA COVID, WALANG NARAMDAMANG ADVERSE EFFECT

    WALANG naramdamang anumang adverse effects  ang ilang mga opisyal ng gobyerno at mga doktor ng Philippine General Hospital (PGH) na nabakunahan ng Sinovac  vaccine kahapon ng umaga sa naturang ospital.   Ito ang pahayag nina PGH Dir. Dr. Gap Legaspi, Food and Drug Administration (FDA) Dir. Gen. Eric Domingo at MMDA Chairman Benhur Abalos, makaraang […]

  • DILG binalaan si Gov. Garcia, mahaharap sa legal action kapag itinuloy ang optional mask EO

    SINABI  ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na gagawa sila ng legal action laban kay  Cebu Governor Gwendolyn Garcia kapag itinuloy nito ang pagsuway sa mask mandate ng gobyerno sa gitna ng coronavirus pandemic.     “Ganun ang mangyayari diyan. Kapag patuloy nila yan gagawin at nagkakaroon na talaga tayo ng injury, […]

  • PBBM, nakahamig ng P14.5B investment commitments sa Japan trip

    INIULAT ng administrasyong Marcos, araw ng Lunes ang  P14.5 billion na kabuuang puhunan kasunod ng business event ng Department of Trade and Industry-led (DTI) sa idinaos na  ASEAN-Japan Commemorative Summit sa Tokyo, Japan.     Sa ilalim ng bagong nilagdaang kasunduan at pledges updates, sinabi ng mga trade officials  na ang investments commitments ay maaaring […]