• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CHRISTIAN, mukhang mangangabog na naman sa awards nights ng ‘2021 MMFF’

MUKHANG mangangabog si Christian Bables sa awards night ng 2021 Metro Manila Film Festival.

 

 

Maganda ang role ni Christian sa Big Night where he plays a beautician na gagawin ang lahat matanggal lang ang pangalan niya sa watchlist ng mga suspected drug addicts.

 

 

“Kahit na comedy ang pelikula ay seryosong topic ang pinag-uusapan. We want to treat it light. Kung tumanggi si Christian sa role, di ko itutuloy ang movie dahil bagay na bagay siya sa role,” kwento ni Direk Jun Lana about his actor.

 

 

Gay role na naman si Christian sa Big Night pero kapwa sila nag-effort ni Direk Jun to make sure na ang portrayal niya ay iba sa gay movies na nagawa na niya under Direk Jun.

 

 

“I needed someone na familiar, commercial na magdadala ng pelikula pero mayroon akong hinahanap na trait na si Christian lang ang pwedeng magbigay. Sarcastic pero at the same time kaya rin niya niya magpatawa at kaya rin magdrama nang todo,” sabi ni Direk Jun.

 

 

“Mabuti nga pumayag kasi noong una namin siyang tinanong yan, umayaw kasi another gay role pero we when explained to him the role, tinanggap niya agad. It’s Christian or nothing. Feeling ko mananalo na naman siya kasi si Christian, ang galing-galing.

 

 

“’Di ba ang galing-galing niya sa comedy. Ang galing din niya mag-shift from comedy to drama kaya kailangan si Christian kasi kinakailangan na kayang mag-comedy at magdrama at the same time.”

 

 

***

 

 

HAPPY si Shido Roxas na may natapos siyang pelikula ngayong pandemic at napili itong entry sa 2021 Metro Manila Film Festival.

 

 

Titled Nelia, bida rito sina Wynwin Marquez at Raymond Bagatsing. First movie ito ng A & Q Film Productions owned by Atty. Aldwin Alegre and Atty. Melanie Quino. The movie is directed by Lester Dimaranan.

 

 

“Fortunately, I am grateful to have been given opportunities to be part of two films,” sabi ni Shido nang makausap namin.

 

 

Ayon sa hunk actor, ang malaking challenge sa paggawa ng movie during the pandemic ay ‘yung mobility ng mga tao given the IATF restrictions sa bawat LGU.

 

 

Dahil mahina ang trabaho sa showbiz during the pandemic kaya naisipan ni Shido na mag-venture sa Swab business which is very timely.

 

 

“I am thrilled that Nelia was chosen as one of the festival entries. There were 19 top caliber films that competed for a slot and to be chosen as one of the Magic 8 is just a cherry on top.”

 

 

Sa movie ay isang compassionate na doctor na may ibang agenda ang role niya.

 

 

He is hoping for the best for the film industry ngayong nag-open na muli ang mga sinehan.

 

 

“It’s about time that we embrace once again our past time of watching movies,” sabi ni Shido.

 

 

He is likewise looking forward na makanood ng movies again sa sinehan.

 

 

“Yes, I am confident that cinemas will be safe to be at considering safety and health protocols being imposed,” pahayag pa niya.

 

 

Aside from Nelia, kasama rin si Shido sa Caught in the Act, which tells the story of a group of High School students who invented an app that aims to alleviate crime.

(RICKY CALDERON)

Other News
  • Pinas, China tinintahan ang 14 bilateral deals habang nasa state visit si PBBM

    TININTAHAN ng Pilipinas at Tsina ang 14 na bilateral agreements, araw ng Miyerkules habang nasa state visit pa si Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. sa  China.     Kabilang sa nasabing kasunduan ang  agrikultura, imprastraktura, development cooperation, maritime security, turismo at iba pa.     Nilagdaan kapwa ng Pilipinas at Tsina ang joint action plan […]

  • Minors sa NCR bawal lumabas ng bahay simula Marso 17– MMDA

    Ipagbabawal ang paglabas ng mga menor de edad sa National Capital Region (NCR) simula Marso 17, sa gitna ng pagtaas ng COVID-19 cases sa rehiyon, ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA). Ito ang sinabi ng naturang tanggapan isang araw matapos umabot sa 5,404 ang arawang pagtalon ng kaso — ang ikaapat na pinakalamaki sa […]

  • Pilipinas at China, walang tensyon sa WPS

    SA KABILA ng incursions at mga protesta, iginiit ng Malakanyang na walang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China kaugnay sa usapin ng West Philippines Sea.   Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, ang tensyon ay nasa isip lang ng mga kritiko ng administrasyon partikular na ng oposisyon.   “Wala akong nakikitang tension. Ang tension […]